Thursday, August 9, 2007

Let's insecurity ourself!

Anu na lang ang mararamdaman mo kapag lahat ng bestfriends mo naka dalawa o tatlo ng boyfriends at 'kaw la pa ni isa?
Ang saya no?!

Ganito ang nararamdaman ko sa lahat sa mga "former friends" ko.At ABA!, maraming tao nag bumibisita sa profile nya sa _____ na gustong magpakilala o makipagmeet at ako di simpleng hi! or hello! man lang wala!

Bitter na nga ako insecure pa! grrrr!

Di naman ko talaga ganito, naging adult lang kaya nagkamulat sa buhay. Easy-go lucky kasi ang personality ko,kahit panlalait naididivert ko pa sa pagiging kakatwa, yun tuloy,think everybody thinks that ako ang look-a-like ni "kwan". Tangina! Bf lang naman ang hanap ko eh, nasa itsura ba ang basehan ng "meaningful relationship?!"

Tapos nakakita pa ako ng magagandang couple paguwi galing work.
Haaaay, nasa byuti nga ata ang basehan.

At ito pa, may gana pang sabihin ni bestfriend mo kung ano ang mga ginawa nila habang nasa mall sila, considering the fact na alam ng best mo na ayaw mo syang marinig dahil alam nya ang lahat na sinulat mo sa diary mo na naglalaman ng "mabuti at masama."

Di naman ako panget(kamuka lang daw ni "kwan"), pag-ibig lang naman hanap ko. At mga bestfriend wag na kayung magpayo na kung anu-ano dahil lahat lang naman ng sentimyento nyo ay "ok lang yan" at "wag mo kasing intindihin" ekek. Ako naman si ngiting aso kapag sinasabi nya ang pinakamaliligayang araw nila. Kontrabida ba ako?

Buti na lang sa lahat ng mga nakakilala ko may isang tao na nakakintinde sa akin- Jerome,my "other" bestfriend on the same circle. Siguro dahil ala din siyang bf kaya nakakarelate sia. Sino pa nga ba ang mapaghihingahan ko ng basura sa puso ko?Ahh, alam ko na, mga Magulang ko! Pasalamat na lang kung di ako pinatay sa bugbog dahil sa "kabaklaan" ko. Isa pa wala naman akong masyadung friends. Lahat sila di pedeng sabihan ng dilemna ko, kung ginawa ko siguro un, mawawalan ata ko ng pride.

Pede ba bestfriend, wag mung sabihin sa akin kung ano ang mga pinagdaraanan nyo dahil naaasar ako sa sarili ko dahil sa inggit! Di ka rin naman makakatulong sa problema ko, dahil IKAW ang mismong problema. Di nyo kasi alam kung papano maging wallflower tulad ko! Halos lahat ng mga lalake gusto sa inyo, Ayaw ko na kayung maging kaibigan kung wala man lang na kahit na emosyonal sa supporta ang makukuha sa inyo.

Ang sarap isipin na ang babaw ng problema ko, mababaw nga pero masyadung malalim ang sakit.
"Ayaw ko na!Nod na lang ako ng cine para sumaya" sabi ng insecure self ko.

"Zsa Zsa Zaturnah!" bulalas naman ng inggit persona ko
So what's my point?

Wala lang. Nageemote.
(isang side lang yan ng dilemna ko. At syempre wag na munang bilangin ang mga blessing ko kasi dumarami na ren ang mga yun. Namismiss ko lang ang mga insecurities ko/lopsided view yan ng darkheart ko)

3 comments:

Unknown said...

hey blackdarkheart :)

don't despair dahil lang mas mabenta ang mga friends mo kaysa sa iyo ngayon. may you just havent found your niche market yet... or havent grown into it yet.

ako rin superwallflower until i hit my 30's. wala namang nabago sa akin, malamang may nagbago sa tingin sa akin o nagbago ang hinahanap nila at bigla kasali na ako.

being "marketable" is of course ego boosting but it may also feel empty kung yung gusto mo naman, hindi ka rin pinapansin. saka kung wala sa personality mo to flit from one person to the next, mapapagod ka lang.

sabi nga, more tears are shed for answered prayers than for those not.

malay mo nasa paligid mo alng yung hinahanp mo, di mo lang napapasin kasi napakalayo ng tingin mo, o masyadong papaloob ang tingin mo...

isa pang tanong, in lab ka ba kay jerome di mo lang masabi? weheheh intrigero aku..

blackdarkheart said...

My insecurity seems to attenuate everytime I read a comment regarding my personal evil(insecurity).

thanks for the reply. Siguro I need tons of patience and confidence to get away with it.

wag ishnavin? MERON PA! hehe

TL said...

Shamashu do you think that I was born as the Dark Knight? Of course not. I evolved to become like this.

Evolution is the key. If you think that what you're doing right now is not getting what you want, DO NOT give up. Change your tactics and attack again. Never give up!

In this world that we live in, survival of the fittest is the law. And who are the fittest? those who can adapt to the situation around him/her.

You can do it. If you have questions or need some help or even a date, email me. aajones32@yahoo.com

Dark Knight