Thursday, August 23, 2007

Mga pangarap ko...

After two years stuck pa rin ako sa call center. Nakakabore na talaga ang idea na araw araw sinasabi mo ang pareparehong canned responses sa customer mo. Pero maganda naman ang salary, so habang nandito pa ako, nagbabalak akong gamitin ang aking naipundar na kayamanan sa mas kanaisnais na adhikain.

Una:

Gusto kong magaral ulet, kahit anung kurso basta't law o medicine(gulo no?!). Gusto ko ring gumawa na sarili kong kasuotan-tshirt,maong pants at sapatos. Pakiramdam ko nga kailangan kung manirahan sa Marikina para matutunan ang paggawa ng sapatos. Tapos ibenta ko kasi ako ang gumawa, at wag ka, maganda ata ang mga idea ko! Di lang yan, gusto kong magaral ng kursong nippongo, kasi nga medyo mahilig din ako sa anime. Tapos susuutin ko ang mga gawa ko sa office at magpapasikat habang nagsasalita ng Japanese(magmumuka ata akong tanga nun...)

Pangalawa:

Gusto kong magkaron ng maraming orkidyas sa bahay namin para magmukhang malamig at
maaliwalas ang kapaligiran. Pakiramdam ko kasi kapag nagkaganun, magiging mala rainforest ang paligid namin, kaya malamig talaga, pero ganun nga ba yun?
Ah basta mas maraming halaman sa paligid mas maganda! Makakapagemote pa ako sa kanta ni Madonna na Rain habang umuulan at nasa ilalim ng akong sariling ecosystem. Wag lang umulan ng linggo, kakalungkot yun eh...


Pangatlo:

Gusto kong maging propesyonal na blogger na kumikita ng 6-thou dollars kada buwan(illusyonada ba ako?!), sa ganung paraan maalis ko ang karamihan ng insecurity sa sarili ko at matulungan ang mga taong napapangitan sa sarili nila na maging mas maayos. Syempre, gagawin ko yun ng libre, mas masarap ata ang pakiramdam ng tumulong kesa sa natulungan!

Pangapat:

Gusto ko ng magaral magmasahe. Three hundred to Five hundred pesos ang bayad kaya sa mga masseur kada oras!(minsan may tip pa!) Pantawid gutom din yun ba! At siempre, magseserbisyo lang ako kada day-off ko. Sa panahon ngayun, wala kang mabubunggong pera kapag nakatunganga ka at gagamitin ko yung pera binayad ng mga customer ko pambili ng roasted chicken. Simpleng pangarap pero swabeh...

Panglima:

Maging all-around technician. Mapa cellphone man yan o kaya Ibook kaya kung gawan ng paraan para maayos. Alam ko maraming bokasyonal na paaralan ang nag ooper nito...Sa paligid natin na puro teknolohiya dapat alam ko kung paano sila aayusin kapag nasira sila. Baka bigyan pa ako ng mayaman kong customer ng notebook sa sobrang tuwa nya sa serbisyo ko...


Hanngang dun na lang muna. Ang daming pangarap na gusto kong tuparin, tutal bata pa naman ako at marami pang magagawa. Paisaisa ko silang sisimulan.

Shet, wala na pala akung pondo. Teka, magtatrabaho muna ako ulet para makaipon...mararating ko ang lahat ng yun...

5 comments:

Anonymous said...

wag mong kalimutang magsyota ng mayaman para di na sya kasama sa budget mo. medyo magastos maggf ngayon..:D gudluck brad sa lahat ng pangarap! sama ako ng lima dyan!

Makoy said...

added u sa links ko. tnx!

Dats said...

ang ganda ng adhikain mo! pag dasal na lang natin matupad to lahat o kahit isa man lng...hehehehe...
Maganda sana kung mauna yun passion mo for shoes and clothes design...all the best to you and tenx for droppin my blog! if ever, inform me ha kung maka hanap ka ng school for this! Im still waiting kasi for the email and details from SOFA. tenks again!

. said...

kapag naisipan mo nang maghalaman, sabihan mo ako. Sasamahan pa kita kung saan astig bumili ng mga ornamental plants.

Anonymous said...

cute naman, you have simple-and-easy-to-achieve dreams.......nice....goodluck!!!