'Lam ko na.
Kasalanan ko rin pala kung bakit wala pa akung boyfriend eh. Manhid ako.
Ito ang parating komento sa aking ng mga officemates ko pagdating sa emosyon ko.Bato. Manhid. Walang puso.
Akala lang nila! Mahiyain lang ako at medyo takot sa mga social gatherings. Sa insecurity ko na naman ang dahilan. Pero ayaw ko ng mainsecure. Promise. Biased sa "kasamaan" at negativity ang mga naisulat ko dito. May mga part din naman sa buhay ko na maganda, di ko lang sila pinapansin dahil...well...ok naman sila. Magde-dwell ako ngayun sa mga magagandang nangyayari for a change...
Magbilang tayo ngayun nga mga voyz...
...sa Ortigas ako nagtatrabaho, sa isang...uhm...ok, SVI Connect. Verizon ang account. Telemarketer kumbaga. May isa akung ka wavemate na malapit sa akin...fast forward. zooooooooooooom
Sinabi nya sa akin na bading daw sya(pake ko ba?!) at di ko sya gusto kasi wala namang spark ang namagitan sa aming dalawa, sinabihan nya ako na gusto daw nyang manirahan kame sa isang apartment dahil daw makakatipid sa pamasahe dahil pareho kaming malayo sa Ortigas, amicable naman ang pakikitungo ko sa kanya, pero nag iba ang defense ko nung sabihan nya ako na gusto daw nyang maka "domestic partnership" ako. Eh ako naman kasi si tanga sabi ko "ayaw ko, di ko gusto ang ideya mo, anu yun parang magasawa?!"
Kinaumagahan. Di na nagpakita. Nagfile ng immediate resignation. Limot ko na ang pangalan nya. O, sige na nga. BATO ako.
After two years of bumhood. Nandito sa Alabang. Inbound agent...
Alam nyo naman siguro na gusto ka ng ka-eye contact mo kapag...well..nag kontakan kayo sa mga mata...
Nasa ibang department sya. Sprint. Hmmmm, siguro mga 5'4 sya...basta gusto ko konti. Kapag nagkikita kame sa office, di maiwasang magkalagkitan ng tingin; di alam kung sino ang magfifirst move. Pareho siguro kameng torpe. Di nya lang alam kung paano ako kinakabahan kapag nakikita ko sya. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring mali kapag umaksyon ako. Walang napahiya kasi walang nangyari...perpekto na sanang okasyon nung nasa SM kame, nasa phone booth ako at tumabi sya sa kabilang phone habang nakangiting tumitingin sa akin...lam kung nakatingin kasi sagap sya ng periphery ko, basta ganun. Siguro alam nya rin na napakarelaks ng atmospera dun at bagay sa chitchat. Pero dahil si Nathan nga ang pinaguusapan natin dito, as usual walang nangyari. Di ko na nakita yung taong yun. Nanaman. O sige, tangang manhid na...
Yung third and last ko naman na "experience" sa mga voyz ang nangyari sa alabang din.
Pareho kame ng account...limot ko na rin ang pangalan nya(pagdating talaga sa mga ngalan ng tao, mabilis ko silang makalimutan). Sya ung taong parating niyaya akung kumain kapag nagkikita kame; parating nagyayaya na umuweng magkasabay;Parateng nagha-hi kapag nagkakasalubong kame; gustong-gustong manlibre...Lahat ng sagot ko sa kanya kapag may mga yaya eh: "ayaw ko, may hinihintay akung kaibigan eh kaw na lang," mangungulit ng ilang beses at ngingiti na lang at tatalikod at di ko napansin...umalis na sya. Namiss ko tuloy siya