Wednesday, July 30, 2008
Fleeting Romance
I am really interested to see him since he has a nurturing kind of soul. the kind of spirit which i can lay my broken heart to. The next day and the next following the first day. He didn't text, I knew what happened, he didn't like what he has seen. So there, I moved on to the next. I didn't try to win him back, that would be too "unpridely." May ego din ako kahit wala akong maxiadong confidence.
Then came Harvie. He's a newbie on the group. we exchanged messages as usual to get to know each other. And this time he's not that "invite you over to my place" kind of guy, so i thave thoguht of him as a breath of fresh air. Ewww, I was wrong. I Told him that walter and I are friends, and that we have known each other since gradeschool, so he and i must have the same wavelenghts. Then came his text message: you know I like Jomo but he doesn't like me. I was stuck. I could've said, but im here, in "front of you m offering myself, can't you see me?' but no, I didn't do that. After that messaage he asked for the signature i-want-to-see-u-online agenda: may fs ka, paad naman. History repeats itself. He didn't text again afterwards.
Oh I should have mentioned anton, small world with dakota package. Small workd becuse he is a close friend of an officemate which had invited me over to bed last night and dakota package because that is what my friend told me bout. I don't wnat to dwell on the small and dako words...
this guys is so into me, i can feel it, i have given him all my furyoku since he's the third attemptee, I I don't want to lose this guy since he sounds sincere and nice. Ok maybe not. One time, he invited me over at starbucks southmall(yes there is now!!) for a coffee, I received his message, while im stomping the keyboard with hard presses and thick expletives since I can't beat the mini boss while im playing Granado espada. i don't want to go at first since it's raining triceretops and rhinoceros outside and besides, I smell funky, i can't smell the Lacoste Red perfume anymore..And I have a face with oil as thick as a lechon. No I won't just sell myself showing up like a piece of trash na nilampaso sa malansang dining table. He is insistent, whooo, i like people who longs for me I thought. So i told him what I was doing, as to why I can't show up. then he texted: add m ako fs mo(email address here), i have thought ok, nothing to lose since i feel good beating the mini boss. I added him, the next day, he was one of the "friends" list, and he has disappeared
Moving forward, there came Iliac, he's an sop kind of guy, which bores me to death. I never liked. the oohs and aahs over a wire. It doesn't work for me no matter how horny I am, sop for me doesn't sell. he is a student, nursing i believe. I received a message just after my unlitxt has expired whch goes something like: twagan mo ako sa house, usap usap lang .landlyn. Wink. He must be so horny to look forward for my attention.My reply has a tinge of insecurity on them which goes like: wrong send ka ata. then he replied, that no it wasn' a missent text, it was me which he wants to talk to over the phone, I won't dwell too much on what i've said after that, lets just say that it kinda gave him the idea that were not close and you don't have to treat me like "fubu's." he got offended, and mentioned that he will no longer text me because he felt like a complete stranger. My point is that im trying to shove him away, he didn't get it at first but then I send him another message that made my point clear: check mo fs ko para matapos na to. I didn't want to send it at first because i might be burning a bridge which hasn't even built strongly yet. He's reply was, "what do you mean?!' I told him the ugly truth, that I don't want the cold treatment after exchanging fs account. I've seen him on fs bec he keeps on insisting to be added on my friends list though he hasn't seen mine yet. Darn his confidence soars high, I thought
His final txt goes like this:wel d aq ganun, 4gt bwt it, I dn't ivn aks 4 ur fs acc. tnx, xpire na ulit ko.
I have a penchant of messing things up, whether intentionally or not. I''ll say charge it on experience. That's what happened for the past two weeks just so this blog be updated.
currently listening to Teardrops on my guitar
*update* anton, just now, texted back*
Monday, July 14, 2008
Choice extra
Patrick: Vakla, ano balita? May nkita k ng s boy internet? C walter may mga bagong fling going serious sana cla*smiley* nkktamad gumalaw at umuulan pa.*smiley, yung u na may tuldok sa taas ng letra*
Pedeng kong sagutin na indenial mode:
Ok lang naman di ko naman sya iniisip, so far so good kasi ang trabaho. sobrang haggard. minsang nga at di na ako nakakapagonline. di naman ako pala online na tao eh, puro lang naman fling ang mga taong nandun. at di ayaw kong magabala sa mga ganun no, mauubusan lang kaya ako ng load sa smartbro ko no! prepaid pa naman yun. eh di good naman pala kung may fling sya.
darating na lang yan! sabi nga ni Jerome, kakatok na lang daw ang pagibig sa pinto! Ang saya kaya ng freedom ng singlehood!
O kaya pede ding inggit with matching insecure na reply islash bitter:
Hay naku, puro ganun lang naman parati ang pinatutunguhan ng magdalenang yan, tapos after ilang buwan magsasawa na ulet. Ang panget kya ng ganun! Nasan na ba ang yung pride at breeding nya pagdating sa relationship? ang dami daming naghahanap tapos binababoy mo lang ang lahat ng karelasyon mo. Baka naman kasi di ka pa ready. Hintay ka muna kasi and take your time. Ang dami mo pang pedeng unahin kesa jan, concentrate ka muna sa job no!
Isa ding panabla yung nonchalant:
eh di buti naman pala sa kanya. haay tulog na muna ako may pasok pa bukas *yawns*.
O kaya yung "accepting a 'challege' with optimism" na reply:
Buti naman sa kanya at may boyfriend na sya, Ipakilala mo naman ako sa boyfriend mo kasi diba part naman talaga yung ng isang healthy relationship, ay naku ako nga, super hanap pa din pero wala pang napapala. Oi, meron akong crush na bago sa cvg, boring ano? puro na lang akong crush? yun lang ata yung mararateng kong status "in crush" imbes na "in love." One of these days makakahanap din ako ng bf. Sinasanay ko lang lalo yung frienshiping skills ko. Minsan punta tayo ng bar para bonding naman! I won't take no for an answer ah! as usual, kayo ni Jerome ang magsubsidize ng bill ko. Hehe
Lahat ng yan ay pede kong sabihin pero mas pinili ko ang maging powerful over powerless: Come and get me voyz! Ang dami ko ng score sa southmall pa lang eh.Another love ekek post.wahaha! kulet eh no!
Thursday, July 10, 2008
Fud ulet
isaw barbecue. naiintoxicate ako sa amoy nito! althought walang nutrients masyado, sarap naman! Lalot kung isawsaw mo pa sa maanghang na sili na may suka at kaunting tubig. Shet! nagwawater na ako sa idea pa lang. Isa pa yung deep fried na mga laman loob, sarap din nun. Everyone who eats chicharon should try at "indulge" on some super fattening food sometimes. Minsan sarap nito kapag may kasamang beer(wala lang nagfeefeeling cool lang ako at umiinon kunwari). Mas prefer kong higupin ang maanghang na siling suka kesa sa mga mapapait na beer. Gusto ko yung tustado para isang kagat pa lang eh magmemelt na yung laman sa gums mo, tapos saturated na sya sa suka para magblend in ang flavor Meron ding variety sa kanto yung piniritong isaw-on-stick suki na nga ako sa kanto namen eh. Tres ang isa, minsan nakakasampu ako. hehe. So talagang tataba ako no! Goodbye muna jollibee at mcdo pang mall lang kayo eh, kapag nasa labas na ako ng southmall at marami pang natirang barya, isawan galore ito.
Ilang metro lang ang layo sa isawan, meron naman gotohan(kapag naiisip ko ang gotohan, parating pumapasok sa isip ko si Zai, may pic kasi sya dati na pinaghalong tokwa at gotohan with matching suka-toyo combination pa ata na halos umula na gilid ng bowl sa sobrang kapunuan, napaka "outstanding" kasi nun kaya swak sa memorya ko). Disi otso ang goto nila pero dinadayo talaga ng mga southmallers, kumakain ako dun pagkatapos kumain ng ibang putahe(sige na matakaw na!) parang kape ko yun eh, pang huleng pinapasok sa tyan para "bumaba"ang kinain. At parating associated ang gotohan na yun sa pagrereminisce sa mga nangyare sa buhay ko nung araw na yun. Lagyan lang ng chili powder at suka-toyo-patis with dalawang calamansi ay solb na ako. Mahilig talaga ako sa maasim. Pati kilikili ko minsan gusto kong tikman, pero wag ka, Dr Kauffman soap(with sulfur and Dimethyl Phenyl 2-Butanol!!! kung anu man yung second ingredient,di ko alam) ata ang gamit ko, pati singit ko amoy sabon considering galing work na ko nun ah! hehe, Ang layo pagkain ang pinaguusapan ko tapos sumingit si singit! wahahaha
shet, 3 servings lang ng tapsilog ang kailanga ko ngayun para idigest ang nalaman ko.
Tuesday, July 8, 2008
Anniversary!
Di pa ako sumusuko. at buti na lang at nagblog ako. kung di siguro ako nagsimulang magblog. di pa tata na exhaust ang lahat ng mga nararamdaman ko. Salaman ng malaki kay Bwisitdiaries.blogspot.com dahil sya ang nagtintroduce ng blogging sa akin. Malamang di nya alam yun pero kung mapadaan man sya dito. alam nyan may naging contritution sya sa mga naging achievements ko pagdating sa sarili kong gera. Ito ang taon na tumatak sa akin. maramin akong nagawa na pumalpak, pero ito pa rin nakatayo at nakangisi dahil pede ko pang ulitin ang mga yun LAHAT ng yun. Dahil sa blogging, nakilala ko ang mga taong nasa labas ng shell ko. Sila ang nagsilbing parte ng buhay ko. parate kong sinasabi sa sarili ko na ililink ko lang ang isang tao sa blog kung nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Unang binanggit ko yun kay dave. panu, immature, sobrang emo pa, dramatista, emotera at once anging insecure din. at palahabol sa mga naging crushness nya. ilang linggo kung magemote nung di nagwork yung first nya! Ganun din naman ako eh, samtayms di ko kinokontrol ang emotion ko, kaya ayun nagfloflood sa Dam ng reasoning ko. Tapos kala mo dati isang kang malaking failure, isang patapon na buhay, ngayun, DUH, sino ba ang nagparamdam sa akin nun at idedeepsubmerge ko nga, nyek,hehe, ako lang pala ang may kasalanan sa lahat.
Tingnan mo, sabi ko sa inyo at pagpasensyahan nyo na ang pagkaemotera ko eh, kasi magsasawa din naman ako eh. Kung makita nyo lang sana ang dating Nathan, One year ago. ibang iba na,.dalagang dalaga na ako ngayun! Ito na ako, mas focused, mas pinahahalagan ang mga kaibigan, mas may sense ang direction ng buhay. Look at me I've changed! Di na mahiyain, insecure, Di na takot itry ang mga bagay na di pa nasusubukan,
Ito na ako ngayun, sobrang nagbago for the best!
*tapos sasabihin-neptune planet power make up!!* ^_^
Friday, July 4, 2008
my personalitty according to Tarot
You are The Lovers
Motive, power, and action, arising from Inspiration and Impulse.
The Lovers represents intuition and inspiration. Very often a choice needs to be made.
Originally, this card was called just LOVE. And that's actually more apt than "Lovers." Love follows in this sequence of growth and maturity. And, coming after the Emperor, who is about control, it is a radical change in perspective. LOVE is a force that makes you choose and decide for reasons you often can't understand; it makes you surrender control to a higher power. And that is what this card is all about. Finding something or someone who is so much a part of yourself, so perfectly attuned to you and you to them, that you cannot, dare not resist. This card indicates that the you have or will come across a person, career, challenge or thing that you will fall in love with. You will know instinctively that you must have this, even if it means diverging from your chosen path. No matter the difficulties, without it you will never be complete.
What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.
may gash. yun lang ang masasabi ko
Pupunuin ko ng pagibig ang post na ito!
Tungkol ba sa walang kamatayan nyong lakad ni Jerome sa Southmall at atc? Sa gusto mong maging crush sa cvg para pampalipas oras, Sa mga balak mong gawin: muay thai, kickboxing. sailormoon-martial arts(LOL!). Bili ka kaya ng psp para maexecute mo with perfection ang 10-hit combo ni Ana o kay ni Lili sa Tekken, tingin ko wag ka na munang bibili ng marameng bagay ngayun, lalo't bagong salta ka ulet sa Alabang. At talagang mawawala na ata ang Spr** na account since sabi ni Jerome ay 400 ang matatransfer sa dtv galing sprint(ay buko!) So tayo na ata yung magoocupy ng buong second floor. Wawa naman ang mga patron ng account na yun, muka pa namang masaya sila.
So anu na ulet ang gusto mong isulat? Sino ba ang crush mo sa cvg. Ewan, pinipilit ko lang syang maging crush para may rush habang nakikita ko sya. Pampagana na din pumasok, ok ang pagkachubby nya, at Richard ang pangalan nya, nakatira sa southville, sa may Toyota! Walking distance para i stalk sa Pilar(hehe) pero ang layo pa din nun ah. Ito na lang, since nakikinig ako ng Runaway ng Corrs, buhay pagibig na lang. Wait! palitan ko ang song...hmmmmm. Ok ito: All you wanted ni MIchelle Branch. Yan ang pinakikinggan ko kapag naiingit ako sa taong gusto kong maging katulad. In short kapag naiingit ako at short ang pondo ng self-esteem, Sabi kasi ni Michelle Branch sa Making the Video ay ang kantang ito ay, englishin ko na lang: All you wanted is for people whom you think are so happy on the outside...yet you don't know what is happening inside of them, behind the curtains, all they wanted was for someone who could understand...infairness parang ganyan ang pagkakasabi nya so wag mo akong i quote para di sabit.
Routine naman ang buhay ko eh so parang walang major update. Shet, tumutogtog ang Sa Langit ng Moonstar88..pagibig kong itong laging bitin, panay sulyap puro tingin di na talaga papansin. Teka lang, may taong idenedicate ko tong kantang to eh. hmmm, maalala nga. Di naman pede si leonardo kasi di naman lumabas tong kantang to nung high school. Anu ba 'yan, di ko ka tuloy maalaala, sa dinami dami ba naman ng mga naging infatuation ko nung bata bata pa ko eh, maaalala ko pa kaya lahat.
Ah ito, "interesting:" nawalan na ako ng gana sa Porn. Naumay ako, naging paulet ulet na lang kasi eh, at isa pa lalo lang nagbubuild up yung longing for someone na pangarap ko na matagal pa bago matupad. Mahinain ang loob ko. Kaunting emotional attack lang eh, nagtatampo na ako. di naman ata mahinain ng loob yun eh no, parang matampuhin...I-term na lang naten na ganun para di negative. Grabe ang layo ng naging succeding sentece ko sa sana ay porn-related na paragraph, soooo far-fetched. Pero ibig sabihin lang nun, walang malaking impact sa buhay ko ang porn, isang libag lang sya kumbaga, isang kuskos lang ng hilod tanggal na.
Isa pa tong news sa Gma tungkol kay pacquiao, syempre sasambahin na naman ng mga tao ang "pambansang kamao" hehe buti na lang ang Directv sa cvg pinalabas sya ng live at walang commercial break, Naku di ako patron ni "saint pakyaw" ah. Yes magaling sya at isang "karangalan" talaga ang maging isang boksingero tulad nya, pero parang naging over commercialized na sya, ginagawa pa tuloy na spoof si pakyaw(mas madaling itayp sa keyboard ang "pakyaw" sa "pacquiao" kaya ganyan) sa pagsasalita nya. Speaking of boxing, may napanuod ata ako sa ch2(ch 7 ata eh) tungkol sa mga batang boksingero na gustong gayahin sa pakyaw, gustong maging mayaman ng walang aral aral ang punto ata nila, parang soon-to-be-a-millionairre. Sana naman atugapin muna nila ang kanilang edukasyon para umahon sa kahirapan. Sino ba ang di gustong yumaman?! At sino din ba ang di gustong maging sentro ng attention paminsan minsan?
Kung si Bentong kaya ang isang magaling na atleta, magiging Santo din ba sya?
At akala ko ba wala kang naiisip, bakit ang dami mo nang naisulat?
Ito pa pala, may naalala akong libro sa National pero limot ko na yung title. Tungkol sa E-heads, shet, sino ba naman ang di makakarelate sa e-heads, pambansang banda yun eh! Grade 5 ata ako nun nung una kong mapakinggan ang kantang "Toyang." At gusto ko lang maalala na naging parte ako ng henerasyon ng taong nagsisimulang mangarap ng malake. At nasan na ako ngayun--ito nasa call center at Malake na din. Di ba Tangina?!
Mabuti na siguro ang impromptu na post minsan, sobra sobrang refreshing ang isulat sa wordpad ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo, na minsan ang hirap mahuli kung nakatunganga ka lang sa screen at pinipilit kung emo ba ang post o drama-induced/MMK with matching Cherie Gil making sampal sa bida ang magiging topic. Making sampal, haha, kay dave ko nakuha yun eh!Making tulak naman sa kanya pala.
So pagsusumaryo ng naisulat ko, mga 20 porsyento lang ata ang emo. At least di nakakaumay eh no. Sawa na din kasi akong mag emote eh. Ahh, ito pa, dati rati, nagtatanung pa ako kung panu ko dudugtungan ang istorya ko sa pagdedeydreaming(talaging kinarir ko!). May mga tampo scene pa nga kami ni Jayvee Gayoso eh(sya ang naging dahilan kung bakit parate kong isinusulat sa mga hiniraman kong pamaypay nung highschool ang pangalang "Angel11." Remember usong uso ang mga pamaypay na puro "Casper" at mga gangsta codes ang nakasulat sa tela nito, ewan ko lang sa school nyo, pero nung "kapanahunan" ko yun ang click.)Kadiri no!
Ito ang pinakamasaya kong post sa lahat ng isinulat ko, halata naman diba. Ganito ako magisip, impromptu, prangka, at wala ng process process ng isip kung di maganda pakinggan, output na sya kaagad! Sarcastic din daw. Basta ganun. So next time ulet mga frienships! Whops! last na last na talaga to, napapangiti ako kapag ginagamit ang frienship as term of endearment. Unique kasi eh.
Parang ako, nAks!Ok alis na ako, pakiss!