Saturday, March 29, 2008

Walang Destinasyon

Di ko alam kung anu talagang field ng trabaho ang gusto kong kariren. Hindi ko rin alam kung san ako papunta. Ang gulo! Naisipan kong magaral muli pero natigil ang plano ko dahil di ko alam kung anung course ang kukunin ko. Dati rati, gusto ko subordinate lang ako; secretary ng kung sinong boss. Pero nagbago yun ng nagkaaroon ako ng ideya ng gumawa ng mga damit. Designer kumbaga. Pero ang daming youngdesigners ang naglipana, naisip ko, matataob lang nila ako dahil di naman ako artistic at wala akong taste pagdating sa fashion.

So ok, out na ang fashion industry sa pangarap.

Nabasa ko na ang mga entry ni Gripen. Naintriga ako sa ideya ng pagpapalipad ng eroplano. Tutal gusto ko naman talagang maconquer ang fear ko sa himpapawid. At isa pa, bata pa lang ako, may fascination na ako sa mga nagcacrash ng mga eroplano(morbid, i know). Ang pinakagusto ko nuon ang paliparin ang mga Concorde ng France. Kasi sosy at tinaguriang "world's safest plane." Pero wala ng Concorde ngayun. Tinanung ko din sa mga kakilala kong may idea sa kursong aviation kung magkano aabutin ang kursong iyon. Milyones daw. Nalula ako sa kamahalan nya.

So ok, out na ang aviation industry sa pangarap.

Isa pang kinahihiligan ko ang ang Mathematics. Kahit na di ako talaga magaling pagdating sa pagkulkula ng mga numero ng daigdig, alam kong kaya ko itong ma "master" kung bibigyan ko lang ng sapat na panahon. Enjoyable kasi masyado ang math. Walang hanggan ang applikasyon nito. At dahil math nga ang gusto ko, gusto kong magaral ng astropisiko. Universtiy Of the Philippines lang ata ang nagoofer nito. Sobra ang paghanga ko sa mga Pulsar, Quasar, Supernova at Dark Matter. Bilyong-bilyong numero ang pagtaya sa lakas ng pwersa na nailalabas ng mga ito anupat binibigyang pagkilala ang ating Pinakadakilang Matematiko. Pero dapat alamin ko muna ang mga basic ng math bago pa infinity ang kalkulahin ko.

So ok, out na ang Mathematics sa pangarap.

Kung tutuusin, marami pang karir ang gusto kong pagtuunana ng pansin pero wala akong interes na bulaybulayin pa ang iba. Magulo na kung magulo ang isip ko pero lahat naman tayo nakakaranas nito. Dasal siguro ang katapat nito. Tutal alam Nya ang lahat.

So ok, log out muna ako.

7 comments:

Dabo said...

ganun ba.. korek.. isa ako sa taong di alam ang gagawin sa buhay ko..

. said...

Lahat naman tayo walang destinasyon eh. Sa kaso ko, kapag napansin mo na puro nakaraan ang sinusulat ko, ibig sabihin wala akong sure na patutunguhan.

In the end, mas pinili kong mag-exist sa present. At least hindi ako pressured tumingin sa bukas. :)

PrincheCHA Fiona said...

Alam mo, gusto ko din pumasok sa fashion industry, nagbabalak nga ako kumuha ng fashion design course eh! ahihihi, pero di pa ko decided.

Haaay, kakalurki no? ang hirap magisip kung ano ba tlga ang gagawin sa buhay?

blackdarkheart said...

@ so pare pareho pala tayong mga walang iniisip kundi present day. bahala na si batman!

Anonymous said...

Marami din akong gustong gawin at maraming ibang mga kursong gustong pag-aralan... pero nagiging praktikal lang in the end...

Yung mga bagay na alam kong di ko na magagawa, naghahanap ako ng kaibigan na yung ang propesyun. Para at least, kung di man ako ang nagkaroon ng first hand experience - 'mararanasan' ko din yun through my friends...

vampire angelus said...

ako din, maraming gustong gawin sa buhay. pero ngayon masaya naman ako sa pagiging comm student ko. masaya ako dito. pero pangarap ko din ang maging interior designer at photographer.

siguro, maganda kung gagawin mo at susundin mo yung mga bagay na kung saan ay masaya ka talaga. yun bang pagtutuunan mo talaga ng pansin. yung mga bagay na may passion ka talaga.

ika said...

although I forgot to mention it in my post, this entry also prompted that.

Ewan ko ba... who would have thought that choosing your major in college meant so much?

Ako naman, I lately found out that I'm so interested in working in an airport. somehow, being able to help someone not of your language fascinates me.