Bakit ba puro na lang, kalungkutan ang ending ng mga gay indie films dito sa Pilipinas?
Anung meron dun? Kung di ko lang sana napanuod yung Daybreak sa Robinsons Manila, di ko to mapapansin. Tutal madame dame na ring akong napanuon na mga gay lovestory. At lahat sila either bittersweet or plain depressing ang ending.
Nalungkot ako sa ideya nila. Bigyan naman sana ng mga writers ang pagasa ang homo-relationship na storyline. OO na, "sumasalamin na naman sya sa tunay na buhay" ang parati nilang sinasabi kung bakit wala na namang pinatunguhan ang pagsasama nila.
Takot na din ang pinadama sa akin ng pelikulang yun. Takot na mapunta sa ganung sitwasyon: pupunta si boyfriend sa malayung lugar para tuparin ang pangarap nyang trabaho; ako maiiwan dahil di ko naman kayang pumunta dun sa patutunguhan nya.
Pero di naman lahat ata ng gay relationship sa ganun patungo,pero napaka bihira sigurong eksena yung naging kayo hanggang katandaan.
Anung happy ending ba ang naiisip mo kapag gay relationship ang pinaguusapan?
Curso de Maquiagem Passo a Passo na Web
5 years ago
21 comments:
napanuod ko rin yan. sad nga, pero I think ung point ng film is a kind of "freeom." Ayun "free" na sila in a metpahoric level. "Daybreak" nga diba?
If you're looking for happy endings, you got to see "Formula 17." romantic comedy talaga.
...napadaan lang...
happy ending?
para sakin ang happy ending ng gay relationship eh yung magka pamilya silang pareho pero magkaibgan prn sila til the end...
kakaiba pananaw ko sensya na hehe...
intriguing.. haha kakaiba nga pananaw mo..
me i don't think of happy endings anymore, i even told my current love interest to tell me when its time for him to have a gurl or start a family..yun nga lang medyo maluha-luha ako.. he he but im just assuring him he have all the freedom he needs..
and as for friendship to substitute for affection.. i don't.
i tried pero di ko kaya.. i don't look back, baka maging asin ako..
@ika: macheck ng yang formula 17 na yan. naintriga tuloy ako.
@punked: salamat sa opinyon mo. so may balak ka palang magkapamilya. goodluck naman sa ideya mo, parang ok din sa akin un. pero kapag nagkapamilya ako ayaw ko ng maasociate sa mga plu lifestyle.
@davenport: bilis naman ng reply. nagtatype pa lang ako ng previous reply ko weh.
on topic:
wala ba jang panghabambuhay na pagsasamang opinyon. so eventually pala yun ang magiging patutunguhan ng gay community kung lahat tayo nagsastrive na magkapamilya in the future.
hindi ba mapupunuan ng dakilang pagibig ang pagsasamahan ng dalawang nagmamahalang lalake habambuhay?
makaluma lang ba ang pananaw ko at di na ako nakaalis sa ganitong pananaw o masyado lang akong umasa for the best. nagiging optimistic pa naman ako sa ganitong bagay. sige na nga wala ng happy ending/together-forever-just-the two-of-you drama. time to face reality nathan. haaay
waahhh sensya na kuya dave at kuya nathan.. opinyon ko lng un =)
optimistic ako sa lagay na un..
@kuya nathan
cgro, oo dn, pag may pamilya na behave na.. magkaibgan lng nmn kyo eh... ang sa akin kasi, yung ganitong buhay, companionship tlga.. (opinyon ko lng ult to hehehe)
i want to grow old with a guy willing to grow old with me.. but look, i can't say that to him or to anyone anymore, because that would be greedy..
i tried designing the future before..and watching it collapse is a terrible sight.
i have him, right here, right now.. and that would be enough..i think..
@kuya dave
mahirap magplano ng something... =)
one day at a time. things happen for a reason... kung ano man un, only God knows ;)
chill =)
happy ending??? hay!
Hmmmm... Read yaoi/shonen-ai kuya. Halos lahat happy ang ending. hehehehehe.
@punked
oo magandang pananaw nga yan. ^^
i believe in happy endings.
ang ending ng love story ko ay hindi pa nasusulat!
;)
i believe in happy endings.
ang ending ng love story ko ay hindi pa nasusulat dahil hindi pa ito nasisimulan kaya hindi pa dapat tapusin!
;)
@dn: makakahanap din tayo ng taong magpapaniwala sa atin ng happy ending. babaguhin ko ang agus ng buhay ko...
@dean: dapat naman may ganun sa relationship. basta nagend up kayo habang buhay. happy ending nayun!
@mink: salamat ng marami sa paglink. tayo ang gagawa ng happy ending naten sa relationship. dapat mutual nga lang. bata pa naman tayo so enjoy life at it's fullest(napakatupperware ko! di naman ako optimistic weh!)
di ko alam kung ano ang "happy ending" sa gay relationship. ako may bf, for 16 months at masayang masaya ako, pero di ko maisip ang future namin. I dont want to look 5 to 10 years from now, because I may not see him beside me anymore. and if it happens, na maghiwalay kami, sya ang may dahilan! kasi ako ayaw ko magkahiwalay kami.
hindi kasi sing usual (for lack of a better term) ang relationship ng gays and bi's. walang pattern na susundan, di gaya ng straight na ikakasal, magkakaanak, magkakapamilya, maghihiwalay (hehe)
basta, ang goal ko na happy ending sa amin ay magkakabusiness kaming dalawa, titira sa isang bahay, kakain ng kakain, magiging masaya. :)
AT! dapat siguro sa gay/bi relationship ay always live in the present and cherish memories (kung masaya ang memories) kasi kung laging future ang iniisip mo, aba mahirap nga. baka dilim lang ang makita mo.
o sya! titigil na ako. :)
nice zai for the post! honga no? live one moment at a time!!! wow, ganda ng opinyon mo(kasing ganda mo ata! may "ata" pa...hehe). so yeah, I won't plan the future for my relationship. dapat carefree!
tangalin na ang ata, dahil tama ka, sing ganda ko at ganda mo ang opinyon na un.
Post a Comment