(unedited)
To whom it may concern
I, Nathan Cervillano, is very much interested in applying for the position of a PST trainer.
I have maximized and honed my skills and therefore willing to share the experience and the lesson I have learned from becoming a Directv agent. Two years of staying with the same program as well as being with some of the best teamleaders I have known, has given me the chance to excel. And besides,I need to climb up the organizational ladder one step at a time.
This will be the first step in the company that I will be making.
Sincerely yours
Nathan cervillano
sa taas ang application letter ko for a pst trainer...
Ibuburo ko na lang muna ang sarili ko sa work habang wala pang benta sa lovelife. Buti ang opismayt kong sinamahan nya ako sa alabang town center, pinangalanan naming "haven" yung place. Kasi sabi nya yung stairway daw na yun na naglelead sa pc express ay isang lungga ng quickie. Dun nya daw ginawa yung deed with a guy he approached. Buti kaya nya yun? Sabi nya nga, yung personality ko ngayun na masyadong mahiyain at di makatingin sa mata ng mga crush nya ay personalidad nya noon. Sabi nya sa akin na magbabago din yung pagkamahiyain ko. Sana naman.
In fairness, ang cute ng guy, kasi chineck namin sa prenster profile nya. He has beautiful eyes and a body with a slight carpet all over(fetish ko pa naman yun). Pero may anak. Pero ok lang kasi malaki naman ata ang pagibig nya. He has the eyes of Derek ramsey and a slight relevance with vandamme(bata bata pa version). Naalala ko pa nga ang email address weh. Pero di ko sasabihin para fair sa part ni dave at ni guy.
At yung post naman ni Punked talagang naapektuhan ako, kasi naman pagibig nya yun na hinahabol nya. Masyado pa naman akong sensitibo pagdating sa ganyan. Pag ako nasaktan emotionally, naapektuhan ako-sa work kahit sa paglalaro. At di ko pa naranasan ang heartbreak sa jowa kasi zero lovelife ko. Masyado siguro akong magigng devastated kapag may breakup mode ang drama ng relationship ko. May isa nga insidente na sinundan ko yung crush ko nung highschool sa may village nila tapos tinanung ko kay crushie kung saan ang project four na street(na alam kong street ng bahay nila) tapos mega rejection ang ginawa sa akin. Binilisan nya nag pace ng paglakad nya tapos di nya sinasagot ang tanung ko. Sumisigaw na ako ng "anu ba, magsalita ka naman!" Talagang eskandalo ang eksena. tapos nung di na ako makapaglakad ng mabilis tumigil na ako at natulala. Umuwi ako sa bahay ng former friend ko na umiiyak. Nilakad ko ang halos isang kilometrong kalsada simula Moonwalk village hanggang southmall tapos pasok sa Pilar village ng humahagulgol. Ngayun iniisip ko na muka akong engot nun. Panu ba naman binasag ni crushie ang batang puso ko. Waaaaaa! nakakahiyang balikan yun! ok erase! erase!
Sa application ko naman sa work, parang ayaw ko na ngang i pursue weh, ngayun kasi ang last day nya tapos yung idea pa lang ng gigisahin ka sa interview ay nakakabutterfly na. wag na lang muna. I need more time.
Moving forward, sisimulan ko na talagang magapproach ng mga prospect. Nasa mata daw yung go signal eh. Ang dami kong chances ang pinapalagpas, kung oportunista at medyo assertive ako sana, nagkaron na ako ng ex(LOL!) Sabi nga sa akin ni Ishnavera, na dapat I need to put myself in the market kasi walang bibili sa yo(siguro kung hot ako, mega sale ako sa seb's!)
Buti na lang may blog para i exhaust ang nilalaman ng puso ko. May mga kaibigan ako dito. At alam kong susuportohan nila ako.
Di ako nagiisa.
Trauma, vulnerability and anger as an aphrodisiac
11 months ago
5 comments:
d ka nag iisa ;)
sensya ka na naapektuhan ka sa post ko... i needed to vent it out dn... hehehe
bsta smile lng. God is good =)
hahaha... anong ibig sabihin ng PST trainor?
nice one, haven. hahaha.. quickie way to heaven. hahaha...
@punked:salamat sa post mo nagkaroon ako ng ideang ivent out ang natitirang emosyon sa nakaraan ko.
@wander. PST is for Product Specific Trainer. call center kasi ako. parang teacher ng isang account sa mga bagong empleyado.
Madaming eye candy sa atc! try mong pumunta.
mmm... kakalungkot nga yung ganun. but sooner or later we need to accept the truth and move on. walang magagawa ang pagmumukmok (look who's talking) at pagdamay sa lahat ng tao sa paligid mo sa matinding galit mo sa sarili mo at sa nakaraan mo.
:P
Yep, indi ka nagiisa nathan. :)
Post a Comment