Sige aaminin ko na type na kita.
Nung una ko palang makita ang mga mata mo, naakit na ako--sobra sobra. Alam ko naman di naman tayo magiging "tayo." Kasi di mo malalaman na type kita at siguro din, di mo naman susuklian ang nararamdaman ko. Anu bang meron sa mga mata mo at parang nawala ako. At yung mga ngiti mo "napakaamo." Di naman tayo magkakilala talaga kaya wag mo na lang siguro akong seryosohin.
Pati sa panaginip ko pumapasok ka. Ganun pala ang pakiramdam ng total bliss no? Napakaecstatic. Mind you, sa panaginip ko naranasan yun. At kinilabutan pa nung nagising! Kasi naman sa panaginip ko, sinabi mo na gusto mo ako makilala ng buong buo; na kahit medyo malayo ka ay magkakaron pa tayo ng panahon para sa isat isa. Sinabi ko naman sayo na bago daw tayo matulog sa panaginip ko, ay binigkas ko sa 'yo ang mga kataga na sinabi ni Ruth kay Noemi. Napaluha ka pa nga daw tayo sa tuwa dahil pinangakuan kita ng ganun. At sinabi ko rin na ako ang taong iintindi sa yo kapag nagagalit ka, uunawa sa mga shortcomings mo.
At dahil pessimistic ako, di na ako aasa sa pagsumamo mo.
Pero sana minsan maging parte naman ako ng mundo mo.
At nandito lang ako.
Curso de Maquiagem Passo a Passo na Web
5 years ago
10 comments:
Ehehe... Winner to. ^^ Hanggang sa panaginip. Inlab ka nga Nate. ^^
..since tumutugtog ang "i'd still say yes"
where does it go
where does it end
true love seem so easy..
hayyy.. what if the answer is yes..
@mak: pero ok na ako ngayun. suppresed emotion na sya. hehe
@dave: the answer will never be yes. Y_Y. he doesn't see me.
"... he doesn't see me."
>> Meron po ba siyang kapansanan sa mata? Inosenteng tanong.
^^ peace po tayo kuya nathan!
@mak: di sya bulag sa totoong sense nito. Di nya lang ako nakikita na potential partner nya. Na ang mga taong hinahanap nya ay hindi magiging ako.
sana na lang maging kaibigan ko sya. kahit papaano may karapatan akong magaalala...
Sure ka ba na okay lang sa'yo na "Just Friends", Kuya Nate?
Mahirap yan... especially sa part mo.
Anyway, I do believe in ever afters so, malay mo... ^^
hmm... sino ito?
i know the feeling.
lolz.
@ika: basta sya na yun! hehe. di ko pa nga alam real name nya weh. lahat naman tayo nakakaranas ng ganitong pangungulila paminsan minsa. pero overall, maganda na ang pakiramdam ko. sa tingin ko. basta di ko na lang sya iisipin
ohmaygaz, oo nga, pareho pa tyo ng ispelling ng lableyter. ahihihihi! :)
Anyway, malay mo naman, someday soon... =p
Post a Comment