Friday, March 14, 2008

Change

ang daming nagbago ng magsimula akong mag blog last year! Totoo pala yun noh, stress reliever nga pala talaga ang pagsulat. Ito na ako ngayun. Naninibago sa bago kong pakiramdam. Kasi nga:

1. Nung magsimula akong magblog, nabawasan na yung pagiging insecure ko kasi may mga taong sumusuporta ang nagpapalakas ng loob ko.

2. Di na ako naiinggit sa mga gay-couple. Kasi dati makakita lang ako ng dalawang bading na magkasama, inggit na inggit ako sa point na winiwish ko na magbreak sila--sa harap ko.

3. Di na ako takot makihalubilo sa mga tao. Kasi naramdaman ko thru blogging na dapat iassociate ko ang sarili ko sa kanila para may matutunan ako pagdating sa pakikisama.

4. Pakiramdam ko "I belong!"

5. Tumaas ang confidence level ko. Di na mahiyain masyado. Nakakapasok na ako ng starbucks(LOL!). Dati kasi na o op ako sa starbucks kasi tingin ko napaka "cozy" ng place.

6. Di na ako malungkutin kasi naihahayag ko ang damdamin ko ng walang judgement sa ibang tao.

Masaya dito.

10 comments:

MakMak said...

"Nakakapasok na ako ng starbucks..."

- napangiti naman ako dito. =) Saken naman, places like Starbucks are the best tambayan (especially for loners like me). Cozy nga tapos kahit wala kang kasamang magkape ayos lang, hindi naman masyado napupuna ng ibang tao kasi busy rin sila sa mga sarili nilang mundo.

Pero siguro depende rin sa crowd na nandoon... Basta Carrie Underwood lang. ^^

DN said...

wow. heheheh. ang cool. parang ganito rin nararamdaman ko ngayon. maraming salamat talaga kay idol and pinuno for introducing me to blogging. ^^


tama ka. masaya dito.

blackdarkheart said...

@makmak: so ikaw pala yung mark sa prenster ko wah. next time anonymous viewing na yun for stalker mode ko. hehe. intimidated talaga ako sa starbucks kasi pakiramdam ko i don't belong to a place where all the good guys are. ngayun iba na perception ko towards the place. iba na rin tingin ko sa sarili ko.

@dh: buti naman ganito din ang pakiramdam mo, pero nakakarelate ako sa sinasabi mong naiinggit kang pumasok sa grupo nila mugen. yung general idea lang ng pagfeel sa loob ng velvet rope ng samahan ay nakakalungkot. kasi you will always feel an outsider to them. TT_TT

. said...

I'm happy you feel that way. Hehe. Ilang taon na akong blogger. Siguro ang greatest contribution niya sa akin ay lagi akong aware kung saan ako nagmula at kung saan ko gusto pumunta.

Keep on blogging bro.

MakMak said...

Hey Black, naintriga ako sa sinabi mong "...where all the good guys are...". =)

ika said...

that makes the two of us.
I've always felt that I had the "queer alliance" I was missing.

Continue reading and writing.

Dabo said...

cheers!

dean said...

amen to number 1 and 4!

dru said...

hahahahaha.... galing ng blog pla... ^_^...

Zai said...

di ko din akay pumasok ng Starbucks. kahit may pangbayad ako feeling ko ang vulnerable ko pag andun ako. maraming mas mayaman na pwedeng awayin ako! kahit ung mga barista parang mas sosyal pa sa akin!

yun at iba pang di malaman na dahilan.

natutuwa naman at ang dami mong na note na change sa self mo. at puro positive ha! keep it up! keep on writing! and commenting on my blog! ikaw lang nag cocomment don alam mo ba?! :)