Sulat ko sayo ten years from now
Naaalala mo pa ba ako?
"Haller" si Nathan to(sikat pa ba ang "haller" na word sa panahon mo?). Kamusta ka na, sana masaya ka sa situation mo. At higit sa lahat, sana wala na ang hidden insecurity mo. Mataba ka pa rin ba? Natatawa nga ako kapag nakikita ko ang mga pic mo sa internet kasi ang daming nagbago. Parati mo kasing naiisip na nagiisa ka, na napakapanget mo. Ngayun alam na siguro na isa kang loveable at gwapong tao(sumusuka na na no!) Nakaset na siguro ang lahat ng priorities mo, nagugulat nga ako sa tagumpay na natatamo mo! Mr Writer na globetrotter ka na. Wooohooo! Diba, kaibigan mo dati sila Walter, Patrick, at Jonjon (naparetoke na ba?) Anu na kaya ang nangyari dun, wag ka sanang malungkot dahil di mo naman kasalanan na nawala sila, mutual desisyon yun kumbaga.
Ang sarap sigurong mabuhay sa kinalalagyan mo ngayun. Ikaw ang taong puno ng mga pangarap at halos araw-araw nag-dedeydream ng mga trabahong maganda ang tunog at mataas ang sweldo. Alam mo ang magandang gawin? Tigilan ang walang kwentang mga paguubos ng panahon sa pangarap at gawin ang gusto ng puso!
Sa pagkakaalam ko, 'kaw ung taong di tumitigil sa isang bagay hanggat di mo nakukuha. Sana ganun ka pa rin sa ngayun. At syempre di mo rin makakalimutan na minsan nagtrabaho ka sa isang companya na akala mo panghabangbuhay-call center. At alam ko rin naman ang hirap na pinagdaanan mo lalo't ng pagiisa mo.
Sino na ang boyfriend mo ngayun? Panu kayo nagkakilala? At, masaya ka ba sya sa piling mo?(joke!) Si essie kamusta na,speaking of which, dapat parating intouch sa mga taong nakasalamuha mo dahil ang mga taong naging kaibigan mo ang magsisilbing ikaw ngayon. Malamang si Essie, maganda na rin ang buhay at masaya sa piling nga kanyang asawa, si Arvin. Sigurado ako, marami ding anak yun ang medyo nalosyang na(hehe).
At kamustahin mo ako sa mama at tatay mo. Sana malakas pa sila.
O panu ba yan hanggang dito na lang muna. Kailangan ko pang magtrabaho.
Pero tandaan mo, mahalin mo ang sarili mo, dahil mahal kita.
Curso de Maquiagem Passo a Passo na Web
4 years ago
No comments:
Post a Comment