"Why do we keep hitting ourselves with a hammer?"
"Because it feels so good when it stops."
La akong maisip na post. Darating din yung emotion para gabayan ako sa post ko.
For now, turbo gym mode, magopen up ng savings account at magisip kung panahon na para tapusin ang two-year employment sa cvg para makapagstart ng bago.
May tendency pala akong umiyak na parang gripo kapag na bulls eye ng isang tao(ok si essie!) ang core ng emotion ko. Nakalimutan ko na kung anung sinabi nya(post mo dito essie). Buti na lang at bigla kong nasuppress, kondi, magmumuka akong naluging businessman sa lounge ng fitness first.
Ang daming kailangan I-let go. Una, ung contract ko sa fitness na mageend sa April 30th. Naging part pa naman sya ng life ko bigtime. Kailangan ko din kasing magbayad ng iba pang bills, 2.5k din kasi ang monthly fee ng gym. Parang di ko alam kung san ko gugugulin ang panahon kokapag tapos na sya; di mo alam kung anung magiging replacement ng timeslot mo sa tanghali inbetween 2 pm 'til 5 pm.
Tapos yung ano...
Trauma, vulnerability and anger as an aphrodisiac
11 months ago
1 comment:
nakalimutan ko na din, sabi sa 'yo si Dory ako eh.. xD
Post a Comment