Sunday, April 13, 2008

Spur of the moment ideas

Kapag nanghingi ako ng chichirya sa mga kaopismate ko, minsan nauubos ko. Minsan ako pa ang nagbubukas para "tumikim." Ganun ako weh. Ok lang naman din kung ginawa din nila yun sa akin. Pero naiintindihan nila kaweirdohan ko. Di naman sila nagagalit kasi minsan may mga "peace offering" naman ako. Kapag naubos ko naman pagkain nila, binibilhan ko din sila ng bagong food. Yun nga lang, pera pa din nila. Hihi.

**************

Talagang may pagkaweirdo daw ako. In a good way naman daw. Di naman maipaliwanag ng mga kakilala kung bakit. Parati nilang sinasabi na may pagkasarcastic daw akong magsalita. Ang mga tanung ko daw parang may mga duda/accusation na tone. Buti na lang at naintindihan na nila na na wala sa akin ang tono ng boses ko. Part lang talaga sya ng pagkatao ko. May instance pa nga na naguusap kami ng chemisty graduate friend ko,tapos sinabi ko sa kanya na gusto ko ding kumuha ng course nya kasi gusto kong gumawa ng lason. Napangiti na lang ang mga nakarinig. wahehe. Pero di lang alam ng kausap ko na gusto ko lang talagang magusot ng lab coat*tumambling* hehe

**************

Madali akong panghinaan ng loob. Negative thinker kasi. Kaunting defect lang ng sitwasyon ay napapaisip na akong magdeviate ng plano. Pero ang tingin ng mga former friends ko, calm and solid fighter ako(hehe, yan ang description ng manga kay sailor neptune weh.) May previous comment pa nga yung isang friend ko na, Im always a standout na para daw supernova sa universe kapag inilagay sa isang room(exagge talaga!)Ewan ko ba kung bakit ko sinabi to, siguro nagpapalakas lang ng loob. Makapagkape nga.

No comments: