Dear Essie
Comment dapat to sa prenster mo weh, pero naisip ko madaming bagay ang dapat mung malaman dahil kulang ang space ng comments’ box sa prenster kaya isang post sa blog ang idededicate ko sayo(naks!)
Alam kong paladalaw ka dito sa blog ko, tinitingnan ang mga agos ng buhay ko. So far Ok na naman ang almost lahat sa kanila. Miss na kita dito sa cvg, ngayun ko lang talaga nadarama ang pagkawala ko since nasa “crisis” ako ngayun. At alam mo ang lahat sa kanila. Parati din tayong magkatabi sa pinakalikod ng station para mag INTERNET maghapon at makipagchat sa mga kateam naten habang nagwowork. At di ka nagiisa, di ko pa rin alam ang mechanics ng larong cricket!
Isa pa, parati ka palang nandyan kapag may problema ako sa sanity ko no? Ikaw ang naging shock absorber ng mga worries ko. Minsa nga naiirita ka na dahil mahahabang mga texts sa insecurity ang pinagtetext ko sa iyo minsan kapag tinamaan ako ng kalungkutan(mga apat na pages)--kaw ang nilalapitan ko. At parang nahiya naman ako sa problema mo tungkol sa lovelife mo dati kasi wala akong naishare na magandang payo sa iyo. Sa yo ko lang inamin na di talaga ako marunong magpayo dahil wala talaga akong magandang sasabihin. Pero da best part ay nagiging shock absorber din ako ng worries mo since magaling akong makinig at makadama. Parang naguilty(parang lang)ako nung mga panahong magulo ang isip mo dahil sa dalawa mong lover(haba hair!), habang nagmumukmok ka, sinasabi ko sa iyo na isa ka ng dakilang Makikiapid! Tawa lang ako ng tawa nun kasi napacarefree ng pakiramdan. At hinayaan mo na lang ako dahil alam mo naman wala naman talaga sa akin yung mga pangaalipustang yun. Naalala mo ba si Putik? Yung baklang mataba na maykulay ang buhok na mataba? Wala lang. Nandun pa rin sya! Wahahah
Napagdaanan ko na ang lahat ng insecurities ko at di na sya bumabagabag sa pangaraw araw na buhay ko. Kasi dati diba, kapag tinamaan ng kaengengan, halos ayaw ko ng pumasok! Pero dahil nandyan ka, naging tolerable ang lahat. Sabi ko sa iyo weh, na mimiss ko ang mga “kaartehan” ko dahil alam ko naman mapagtatagumpayan ko ang lahat ng mga yon. Success!!
Mahilig ka din sa anime sobra at dun tayo nagkakasundo talaga. Ang type mo naman genre ay yung mga lovestory(hana yori dango, hana kimi) ako naman yung sa “action” at fantasy(weiss kreuz, sailormoon, rayearth. Slayers(naalala ko pa din yung spell ni lina inverse!). Buti na lang at di ka nagpakwento in detail ng mga storya ng ibang anime, kasi minsan kung magkekwento ako, may kasama pang sound epek(brhshshsshsh) ayaw ko lang tingnan ng mga madlang people. Hihi.
Ikaw din yung taong nakukulitan na sa kakatanung kung panu pupunta ng Robinsons Manila. Nalala ko pa nga sa txt: “sakay ka ng fx, sabihin mo sa drayber ibaba ka sa pedro gil!” at may pahabol pa na “naku, parati na lang ganito!.” Pero in the end ligaw pa din ako. Turista nga ako weh! HEHE.
Napapa cringe ka minsan kapag kinekwentuhan kita ng mga fetish ko. Naalala mo pa yung mga pornsites na dinadalaw NATEN? WahahA! Nasanay ka na lang sa mga pinaggagawa ko dahil…anu pa nga bang magagawa mo eh kaibigan kita eh!
Nagkasama tayo sa larong ragnarok nung kasikatan pa nuon! Odin ang server naten at shamashu na talaga ang main character ko dun kaw naman si Neera na “full support priest.” Naging extension na din yun ng ating buhay kahit di na tayo naglalaro nun. Aaminin ko naging crush ko si “spongecola011” nuon! Parati kasi syang kasama kong maglaro nuong newbie pa kame. Nasan na kaya yun?
◘Hanggang ngayun in denial pa din ako sa totoong feelings ko. Pabayaan mo na yun. ganyan lang talaga siguro ako.
◘Pinangako ko sa sarili ko na kung magkakabf ako, kaw ang unang makakaalam at sinabi ko din naman yun sa yo wah.
◘At one last na lang talaga. Iba na ang cvg kasi wala ka na.
Si Nathan to.
p.s na plutter ako nung sinabihan mo ako sa telepono na “maganda kaya mata mo!” nung kinokomplement ko si crushie. Napapangiti pa din ako sa sinabi mo til now! at kung kailan mo ng paper towels. marami akong nakuha sa pantry! whaha
Trauma, vulnerability and anger as an aphrodisiac
11 months ago
1 comment:
http://hontonishiawase.blogspot.com/
1st post pa kita ha! :D
Post a Comment