Monday, March 31, 2008

Kamatayan

Nabanggit ko na to kay Southdude kasi nagkita kame sa Fitness First Southmall nuong nakaraang linggo tungkol sa panaginip ko.

Parati kong napapaniginipan ang mga eroplanong sumasabog ng unti unti o kaya naman magcacrash sa kabatuhan. Recurring dream sya, pero ang nakakalungkot, ako lang ang parating walang kaibigan sa loob ng eroplano para magbigay ng paalam o kaya walang gustong magbigay ng celfone ng mga pasahero para tawagan ko one last time ang pamilya ko.

Kalmado pa nga ako ng nagsisimula ng mag "nosedive" ang mga eroplanong sinasakyan ko.

Pero sa sobrang dalas ng panaginip na to, natatakot na akong matulog.

Saturday, March 29, 2008

Walang Destinasyon

Di ko alam kung anu talagang field ng trabaho ang gusto kong kariren. Hindi ko rin alam kung san ako papunta. Ang gulo! Naisipan kong magaral muli pero natigil ang plano ko dahil di ko alam kung anung course ang kukunin ko. Dati rati, gusto ko subordinate lang ako; secretary ng kung sinong boss. Pero nagbago yun ng nagkaaroon ako ng ideya ng gumawa ng mga damit. Designer kumbaga. Pero ang daming youngdesigners ang naglipana, naisip ko, matataob lang nila ako dahil di naman ako artistic at wala akong taste pagdating sa fashion.

So ok, out na ang fashion industry sa pangarap.

Nabasa ko na ang mga entry ni Gripen. Naintriga ako sa ideya ng pagpapalipad ng eroplano. Tutal gusto ko naman talagang maconquer ang fear ko sa himpapawid. At isa pa, bata pa lang ako, may fascination na ako sa mga nagcacrash ng mga eroplano(morbid, i know). Ang pinakagusto ko nuon ang paliparin ang mga Concorde ng France. Kasi sosy at tinaguriang "world's safest plane." Pero wala ng Concorde ngayun. Tinanung ko din sa mga kakilala kong may idea sa kursong aviation kung magkano aabutin ang kursong iyon. Milyones daw. Nalula ako sa kamahalan nya.

So ok, out na ang aviation industry sa pangarap.

Isa pang kinahihiligan ko ang ang Mathematics. Kahit na di ako talaga magaling pagdating sa pagkulkula ng mga numero ng daigdig, alam kong kaya ko itong ma "master" kung bibigyan ko lang ng sapat na panahon. Enjoyable kasi masyado ang math. Walang hanggan ang applikasyon nito. At dahil math nga ang gusto ko, gusto kong magaral ng astropisiko. Universtiy Of the Philippines lang ata ang nagoofer nito. Sobra ang paghanga ko sa mga Pulsar, Quasar, Supernova at Dark Matter. Bilyong-bilyong numero ang pagtaya sa lakas ng pwersa na nailalabas ng mga ito anupat binibigyang pagkilala ang ating Pinakadakilang Matematiko. Pero dapat alamin ko muna ang mga basic ng math bago pa infinity ang kalkulahin ko.

So ok, out na ang Mathematics sa pangarap.

Kung tutuusin, marami pang karir ang gusto kong pagtuunana ng pansin pero wala akong interes na bulaybulayin pa ang iba. Magulo na kung magulo ang isip ko pero lahat naman tayo nakakaranas nito. Dasal siguro ang katapat nito. Tutal alam Nya ang lahat.

So ok, log out muna ako.

Thursday, March 27, 2008

lab leyter

Sige aaminin ko na type na kita.

Nung una ko palang makita ang mga mata mo, naakit na ako--sobra sobra. Alam ko naman di naman tayo magiging "tayo." Kasi di mo malalaman na type kita at siguro din, di mo naman susuklian ang nararamdaman ko. Anu bang meron sa mga mata mo at parang nawala ako. At yung mga ngiti mo "napakaamo." Di naman tayo magkakilala talaga kaya wag mo na lang siguro akong seryosohin.

Pati sa panaginip ko pumapasok ka. Ganun pala ang pakiramdam ng total bliss no? Napakaecstatic. Mind you, sa panaginip ko naranasan yun. At kinilabutan pa nung nagising! Kasi naman sa panaginip ko, sinabi mo na gusto mo ako makilala ng buong buo; na kahit medyo malayo ka ay magkakaron pa tayo ng panahon para sa isat isa. Sinabi ko naman sayo na bago daw tayo matulog sa panaginip ko, ay binigkas ko sa 'yo ang mga kataga na sinabi ni Ruth kay Noemi. Napaluha ka pa nga daw tayo sa tuwa dahil pinangakuan kita ng ganun. At sinabi ko rin na ako ang taong iintindi sa yo kapag nagagalit ka, uunawa sa mga shortcomings mo.

At dahil pessimistic ako, di na ako aasa sa pagsumamo mo.

Pero sana minsan maging parte naman ako ng mundo mo.

At nandito lang ako.

Thursday, March 20, 2008

HAMBERDAY!

Im now officially a lady(lol!)


Twenty-four years old na ako!!

Wow! Time flies. TIme flies when your'e having fun with friends

Di naman ako nagcecelebrate eh.
Nasa opis hanggang 3pm.
Basta magsasaya ako in my own way.*Loner Mode*

Friday, March 14, 2008

Change

ang daming nagbago ng magsimula akong mag blog last year! Totoo pala yun noh, stress reliever nga pala talaga ang pagsulat. Ito na ako ngayun. Naninibago sa bago kong pakiramdam. Kasi nga:

1. Nung magsimula akong magblog, nabawasan na yung pagiging insecure ko kasi may mga taong sumusuporta ang nagpapalakas ng loob ko.

2. Di na ako naiinggit sa mga gay-couple. Kasi dati makakita lang ako ng dalawang bading na magkasama, inggit na inggit ako sa point na winiwish ko na magbreak sila--sa harap ko.

3. Di na ako takot makihalubilo sa mga tao. Kasi naramdaman ko thru blogging na dapat iassociate ko ang sarili ko sa kanila para may matutunan ako pagdating sa pakikisama.

4. Pakiramdam ko "I belong!"

5. Tumaas ang confidence level ko. Di na mahiyain masyado. Nakakapasok na ako ng starbucks(LOL!). Dati kasi na o op ako sa starbucks kasi tingin ko napaka "cozy" ng place.

6. Di na ako malungkutin kasi naihahayag ko ang damdamin ko ng walang judgement sa ibang tao.

Masaya dito.

Tuesday, March 11, 2008

Denial King

"no wonder you're still single.u alwys make an alibi n evything and evn n ur shortcomings."

--txt sa akin ng close office friend ko na naging crush ko nung una ko pa lang sya nakita kasi nga eye-candy sya at hottie-cutie talaga. mejo small nga lang sya.

sinabi ko kasi sa kanya na sa totoo lang kung bakit niyaya ko syang manuod ng sine sa Alabang Town Center, ay di para manuod ng pelikula. Boyhunt ang pinunta ko dun.

Parati na lang akong nagtatago sa sarili ko. Babaguhin ko na talaga ang personality kong mahiyain at mataray. Para sa akin din to dava?

Sunday, March 9, 2008

Kung san dalhin ng agos ng buhay...

Bakit ba puro na lang, kalungkutan ang ending ng mga gay indie films dito sa Pilipinas?
Anung meron dun? Kung di ko lang sana napanuod yung Daybreak sa Robinsons Manila, di ko to mapapansin. Tutal madame dame na ring akong napanuon na mga gay lovestory. At lahat sila either bittersweet or plain depressing ang ending.

Nalungkot ako sa ideya nila. Bigyan naman sana ng mga writers ang pagasa ang homo-relationship na storyline. OO na, "sumasalamin na naman sya sa tunay na buhay" ang parati nilang sinasabi kung bakit wala na namang pinatunguhan ang pagsasama nila.

Takot na din ang pinadama sa akin ng pelikulang yun. Takot na mapunta sa ganung sitwasyon: pupunta si boyfriend sa malayung lugar para tuparin ang pangarap nyang trabaho; ako maiiwan dahil di ko naman kayang pumunta dun sa patutunguhan nya.

Pero di naman lahat ata ng gay relationship sa ganun patungo,pero napaka bihira sigurong eksena yung naging kayo hanggang katandaan.

Anung happy ending ba ang naiisip mo kapag gay relationship ang pinaguusapan?

Thursday, March 6, 2008

Assorted

(unedited)
To whom it may concern

I, Nathan Cervillano, is very much interested in applying for the position of a PST trainer.

I have maximized and honed my skills and therefore willing to share the experience and the lesson I have learned from becoming a Directv agent. Two years of staying with the same program as well as being with some of the best teamleaders I have known, has given me the chance to excel. And besides,I need to climb up the organizational ladder one step at a time.

This will be the first step in the company that I will be making.

Sincerely yours
Nathan cervillano

sa taas ang application letter ko for a pst trainer...

Ibuburo ko na lang muna ang sarili ko sa work habang wala pang benta sa lovelife. Buti ang opismayt kong sinamahan nya ako sa alabang town center, pinangalanan naming "haven" yung place. Kasi sabi nya yung stairway daw na yun na naglelead sa pc express ay isang lungga ng quickie. Dun nya daw ginawa yung deed with a guy he approached. Buti kaya nya yun? Sabi nya nga, yung personality ko ngayun na masyadong mahiyain at di makatingin sa mata ng mga crush nya ay personalidad nya noon. Sabi nya sa akin na magbabago din yung pagkamahiyain ko. Sana naman.

In fairness, ang cute ng guy, kasi chineck namin sa prenster profile nya. He has beautiful eyes and a body with a slight carpet all over(fetish ko pa naman yun). Pero may anak. Pero ok lang kasi malaki naman ata ang pagibig nya. He has the eyes of Derek ramsey and a slight relevance with vandamme(bata bata pa version). Naalala ko pa nga ang email address weh. Pero di ko sasabihin para fair sa part ni dave at ni guy.

At yung post naman ni Punked talagang naapektuhan ako, kasi naman pagibig nya yun na hinahabol nya. Masyado pa naman akong sensitibo pagdating sa ganyan. Pag ako nasaktan emotionally, naapektuhan ako-sa work kahit sa paglalaro. At di ko pa naranasan ang heartbreak sa jowa kasi zero lovelife ko. Masyado siguro akong magigng devastated kapag may breakup mode ang drama ng relationship ko. May isa nga insidente na sinundan ko yung crush ko nung highschool sa may village nila tapos tinanung ko kay crushie kung saan ang project four na street(na alam kong street ng bahay nila) tapos mega rejection ang ginawa sa akin. Binilisan nya nag pace ng paglakad nya tapos di nya sinasagot ang tanung ko. Sumisigaw na ako ng "anu ba, magsalita ka naman!" Talagang eskandalo ang eksena. tapos nung di na ako makapaglakad ng mabilis tumigil na ako at natulala. Umuwi ako sa bahay ng former friend ko na umiiyak. Nilakad ko ang halos isang kilometrong kalsada simula Moonwalk village hanggang southmall tapos pasok sa Pilar village ng humahagulgol. Ngayun iniisip ko na muka akong engot nun. Panu ba naman binasag ni crushie ang batang puso ko. Waaaaaa! nakakahiyang balikan yun! ok erase! erase!

Sa application ko naman sa work, parang ayaw ko na ngang i pursue weh, ngayun kasi ang last day nya tapos yung idea pa lang ng gigisahin ka sa interview ay nakakabutterfly na. wag na lang muna. I need more time.

Moving forward, sisimulan ko na talagang magapproach ng mga prospect. Nasa mata daw yung go signal eh. Ang dami kong chances ang pinapalagpas, kung oportunista at medyo assertive ako sana, nagkaron na ako ng ex(LOL!) Sabi nga sa akin ni Ishnavera, na dapat I need to put myself in the market kasi walang bibili sa yo(siguro kung hot ako, mega sale ako sa seb's!)
Buti na lang may blog para i exhaust ang nilalaman ng puso ko. May mga kaibigan ako dito. At alam kong susuportohan nila ako.

Di ako nagiisa.