Monday, April 7, 2008

try lang ng haiku

Di na ako inlove sa 'yo
naguguluhan
pero normal lang daw to

Sunday, April 6, 2008

Basahin mo to essie

Dear Essie

Comment dapat to sa prenster mo weh, pero naisip ko madaming bagay ang dapat mung malaman dahil kulang ang space ng comments’ box sa prenster kaya isang post sa blog ang idededicate ko sayo(naks!)

Alam kong paladalaw ka dito sa blog ko, tinitingnan ang mga agos ng buhay ko. So far Ok na naman ang almost lahat sa kanila. Miss na kita dito sa cvg, ngayun ko lang talaga nadarama ang pagkawala ko since nasa “crisis” ako ngayun. At alam mo ang lahat sa kanila. Parati din tayong magkatabi sa pinakalikod ng station para mag INTERNET maghapon at makipagchat sa mga kateam naten habang nagwowork. At di ka nagiisa, di ko pa rin alam ang mechanics ng larong cricket!

Isa pa, parati ka palang nandyan kapag may problema ako sa sanity ko no? Ikaw ang naging shock absorber ng mga worries ko. Minsa nga naiirita ka na dahil mahahabang mga texts sa insecurity ang pinagtetext ko sa iyo minsan kapag tinamaan ako ng kalungkutan(mga apat na pages)--kaw ang nilalapitan ko. At parang nahiya naman ako sa problema mo tungkol sa lovelife mo dati kasi wala akong naishare na magandang payo sa iyo. Sa yo ko lang inamin na di talaga ako marunong magpayo dahil wala talaga akong magandang sasabihin. Pero da best part ay nagiging shock absorber din ako ng worries mo since magaling akong makinig at makadama. Parang naguilty(parang lang)ako nung mga panahong magulo ang isip mo dahil sa dalawa mong lover(haba hair!), habang nagmumukmok ka, sinasabi ko sa iyo na isa ka ng dakilang Makikiapid! Tawa lang ako ng tawa nun kasi napacarefree ng pakiramdan. At hinayaan mo na lang ako dahil alam mo naman wala naman talaga sa akin yung mga pangaalipustang yun. Naalala mo ba si Putik? Yung baklang mataba na maykulay ang buhok na mataba? Wala lang. Nandun pa rin sya! Wahahah

Napagdaanan ko na ang lahat ng insecurities ko at di na sya bumabagabag sa pangaraw araw na buhay ko. Kasi dati diba, kapag tinamaan ng kaengengan, halos ayaw ko ng pumasok! Pero dahil nandyan ka, naging tolerable ang lahat. Sabi ko sa iyo weh, na mimiss ko ang mga “kaartehan” ko dahil alam ko naman mapagtatagumpayan ko ang lahat ng mga yon. Success!!

Mahilig ka din sa anime sobra at dun tayo nagkakasundo talaga. Ang type mo naman genre ay yung mga lovestory(hana yori dango, hana kimi) ako naman yung sa “action” at fantasy(weiss kreuz, sailormoon, rayearth. Slayers(naalala ko pa din yung spell ni lina inverse!). Buti na lang at di ka nagpakwento in detail ng mga storya ng ibang anime, kasi minsan kung magkekwento ako, may kasama pang sound epek(brhshshsshsh) ayaw ko lang tingnan ng mga madlang people. Hihi.

Ikaw din yung taong nakukulitan na sa kakatanung kung panu pupunta ng Robinsons Manila. Nalala ko pa nga sa txt: “sakay ka ng fx, sabihin mo sa drayber ibaba ka sa pedro gil!” at may pahabol pa na “naku, parati na lang ganito!.” Pero in the end ligaw pa din ako. Turista nga ako weh! HEHE.

Napapa cringe ka minsan kapag kinekwentuhan kita ng mga fetish ko. Naalala mo pa yung mga pornsites na dinadalaw NATEN? WahahA! Nasanay ka na lang sa mga pinaggagawa ko dahil…anu pa nga bang magagawa mo eh kaibigan kita eh!

Nagkasama tayo sa larong ragnarok nung kasikatan pa nuon! Odin ang server naten at shamashu na talaga ang main character ko dun kaw naman si Neera na “full support priest.” Naging extension na din yun ng ating buhay kahit di na tayo naglalaro nun. Aaminin ko naging crush ko si “spongecola011” nuon! Parati kasi syang kasama kong maglaro nuong newbie pa kame. Nasan na kaya yun?

◘Hanggang ngayun in denial pa din ako sa totoong feelings ko. Pabayaan mo na yun. ganyan lang talaga siguro ako.

◘Pinangako ko sa sarili ko na kung magkakabf ako, kaw ang unang makakaalam at sinabi ko din naman yun sa yo wah.

◘At one last na lang talaga. Iba na ang cvg kasi wala ka na.

Si Nathan to.


p.s na plutter ako nung sinabihan mo ako sa telepono na “maganda kaya mata mo!” nung kinokomplement ko si crushie. Napapangiti pa din ako sa sinabi mo til now! at kung kailan mo ng paper towels. marami akong nakuha sa pantry! whaha

Monday, March 31, 2008

Kamatayan

Nabanggit ko na to kay Southdude kasi nagkita kame sa Fitness First Southmall nuong nakaraang linggo tungkol sa panaginip ko.

Parati kong napapaniginipan ang mga eroplanong sumasabog ng unti unti o kaya naman magcacrash sa kabatuhan. Recurring dream sya, pero ang nakakalungkot, ako lang ang parating walang kaibigan sa loob ng eroplano para magbigay ng paalam o kaya walang gustong magbigay ng celfone ng mga pasahero para tawagan ko one last time ang pamilya ko.

Kalmado pa nga ako ng nagsisimula ng mag "nosedive" ang mga eroplanong sinasakyan ko.

Pero sa sobrang dalas ng panaginip na to, natatakot na akong matulog.

Saturday, March 29, 2008

Walang Destinasyon

Di ko alam kung anu talagang field ng trabaho ang gusto kong kariren. Hindi ko rin alam kung san ako papunta. Ang gulo! Naisipan kong magaral muli pero natigil ang plano ko dahil di ko alam kung anung course ang kukunin ko. Dati rati, gusto ko subordinate lang ako; secretary ng kung sinong boss. Pero nagbago yun ng nagkaaroon ako ng ideya ng gumawa ng mga damit. Designer kumbaga. Pero ang daming youngdesigners ang naglipana, naisip ko, matataob lang nila ako dahil di naman ako artistic at wala akong taste pagdating sa fashion.

So ok, out na ang fashion industry sa pangarap.

Nabasa ko na ang mga entry ni Gripen. Naintriga ako sa ideya ng pagpapalipad ng eroplano. Tutal gusto ko naman talagang maconquer ang fear ko sa himpapawid. At isa pa, bata pa lang ako, may fascination na ako sa mga nagcacrash ng mga eroplano(morbid, i know). Ang pinakagusto ko nuon ang paliparin ang mga Concorde ng France. Kasi sosy at tinaguriang "world's safest plane." Pero wala ng Concorde ngayun. Tinanung ko din sa mga kakilala kong may idea sa kursong aviation kung magkano aabutin ang kursong iyon. Milyones daw. Nalula ako sa kamahalan nya.

So ok, out na ang aviation industry sa pangarap.

Isa pang kinahihiligan ko ang ang Mathematics. Kahit na di ako talaga magaling pagdating sa pagkulkula ng mga numero ng daigdig, alam kong kaya ko itong ma "master" kung bibigyan ko lang ng sapat na panahon. Enjoyable kasi masyado ang math. Walang hanggan ang applikasyon nito. At dahil math nga ang gusto ko, gusto kong magaral ng astropisiko. Universtiy Of the Philippines lang ata ang nagoofer nito. Sobra ang paghanga ko sa mga Pulsar, Quasar, Supernova at Dark Matter. Bilyong-bilyong numero ang pagtaya sa lakas ng pwersa na nailalabas ng mga ito anupat binibigyang pagkilala ang ating Pinakadakilang Matematiko. Pero dapat alamin ko muna ang mga basic ng math bago pa infinity ang kalkulahin ko.

So ok, out na ang Mathematics sa pangarap.

Kung tutuusin, marami pang karir ang gusto kong pagtuunana ng pansin pero wala akong interes na bulaybulayin pa ang iba. Magulo na kung magulo ang isip ko pero lahat naman tayo nakakaranas nito. Dasal siguro ang katapat nito. Tutal alam Nya ang lahat.

So ok, log out muna ako.

Thursday, March 27, 2008

lab leyter

Sige aaminin ko na type na kita.

Nung una ko palang makita ang mga mata mo, naakit na ako--sobra sobra. Alam ko naman di naman tayo magiging "tayo." Kasi di mo malalaman na type kita at siguro din, di mo naman susuklian ang nararamdaman ko. Anu bang meron sa mga mata mo at parang nawala ako. At yung mga ngiti mo "napakaamo." Di naman tayo magkakilala talaga kaya wag mo na lang siguro akong seryosohin.

Pati sa panaginip ko pumapasok ka. Ganun pala ang pakiramdam ng total bliss no? Napakaecstatic. Mind you, sa panaginip ko naranasan yun. At kinilabutan pa nung nagising! Kasi naman sa panaginip ko, sinabi mo na gusto mo ako makilala ng buong buo; na kahit medyo malayo ka ay magkakaron pa tayo ng panahon para sa isat isa. Sinabi ko naman sayo na bago daw tayo matulog sa panaginip ko, ay binigkas ko sa 'yo ang mga kataga na sinabi ni Ruth kay Noemi. Napaluha ka pa nga daw tayo sa tuwa dahil pinangakuan kita ng ganun. At sinabi ko rin na ako ang taong iintindi sa yo kapag nagagalit ka, uunawa sa mga shortcomings mo.

At dahil pessimistic ako, di na ako aasa sa pagsumamo mo.

Pero sana minsan maging parte naman ako ng mundo mo.

At nandito lang ako.

Thursday, March 20, 2008

HAMBERDAY!

Im now officially a lady(lol!)


Twenty-four years old na ako!!

Wow! Time flies. TIme flies when your'e having fun with friends

Di naman ako nagcecelebrate eh.
Nasa opis hanggang 3pm.
Basta magsasaya ako in my own way.*Loner Mode*

Friday, March 14, 2008

Change

ang daming nagbago ng magsimula akong mag blog last year! Totoo pala yun noh, stress reliever nga pala talaga ang pagsulat. Ito na ako ngayun. Naninibago sa bago kong pakiramdam. Kasi nga:

1. Nung magsimula akong magblog, nabawasan na yung pagiging insecure ko kasi may mga taong sumusuporta ang nagpapalakas ng loob ko.

2. Di na ako naiinggit sa mga gay-couple. Kasi dati makakita lang ako ng dalawang bading na magkasama, inggit na inggit ako sa point na winiwish ko na magbreak sila--sa harap ko.

3. Di na ako takot makihalubilo sa mga tao. Kasi naramdaman ko thru blogging na dapat iassociate ko ang sarili ko sa kanila para may matutunan ako pagdating sa pakikisama.

4. Pakiramdam ko "I belong!"

5. Tumaas ang confidence level ko. Di na mahiyain masyado. Nakakapasok na ako ng starbucks(LOL!). Dati kasi na o op ako sa starbucks kasi tingin ko napaka "cozy" ng place.

6. Di na ako malungkutin kasi naihahayag ko ang damdamin ko ng walang judgement sa ibang tao.

Masaya dito.

Tuesday, March 11, 2008

Denial King

"no wonder you're still single.u alwys make an alibi n evything and evn n ur shortcomings."

--txt sa akin ng close office friend ko na naging crush ko nung una ko pa lang sya nakita kasi nga eye-candy sya at hottie-cutie talaga. mejo small nga lang sya.

sinabi ko kasi sa kanya na sa totoo lang kung bakit niyaya ko syang manuod ng sine sa Alabang Town Center, ay di para manuod ng pelikula. Boyhunt ang pinunta ko dun.

Parati na lang akong nagtatago sa sarili ko. Babaguhin ko na talaga ang personality kong mahiyain at mataray. Para sa akin din to dava?

Sunday, March 9, 2008

Kung san dalhin ng agos ng buhay...

Bakit ba puro na lang, kalungkutan ang ending ng mga gay indie films dito sa Pilipinas?
Anung meron dun? Kung di ko lang sana napanuod yung Daybreak sa Robinsons Manila, di ko to mapapansin. Tutal madame dame na ring akong napanuon na mga gay lovestory. At lahat sila either bittersweet or plain depressing ang ending.

Nalungkot ako sa ideya nila. Bigyan naman sana ng mga writers ang pagasa ang homo-relationship na storyline. OO na, "sumasalamin na naman sya sa tunay na buhay" ang parati nilang sinasabi kung bakit wala na namang pinatunguhan ang pagsasama nila.

Takot na din ang pinadama sa akin ng pelikulang yun. Takot na mapunta sa ganung sitwasyon: pupunta si boyfriend sa malayung lugar para tuparin ang pangarap nyang trabaho; ako maiiwan dahil di ko naman kayang pumunta dun sa patutunguhan nya.

Pero di naman lahat ata ng gay relationship sa ganun patungo,pero napaka bihira sigurong eksena yung naging kayo hanggang katandaan.

Anung happy ending ba ang naiisip mo kapag gay relationship ang pinaguusapan?

Thursday, March 6, 2008

Assorted

(unedited)
To whom it may concern

I, Nathan Cervillano, is very much interested in applying for the position of a PST trainer.

I have maximized and honed my skills and therefore willing to share the experience and the lesson I have learned from becoming a Directv agent. Two years of staying with the same program as well as being with some of the best teamleaders I have known, has given me the chance to excel. And besides,I need to climb up the organizational ladder one step at a time.

This will be the first step in the company that I will be making.

Sincerely yours
Nathan cervillano

sa taas ang application letter ko for a pst trainer...

Ibuburo ko na lang muna ang sarili ko sa work habang wala pang benta sa lovelife. Buti ang opismayt kong sinamahan nya ako sa alabang town center, pinangalanan naming "haven" yung place. Kasi sabi nya yung stairway daw na yun na naglelead sa pc express ay isang lungga ng quickie. Dun nya daw ginawa yung deed with a guy he approached. Buti kaya nya yun? Sabi nya nga, yung personality ko ngayun na masyadong mahiyain at di makatingin sa mata ng mga crush nya ay personalidad nya noon. Sabi nya sa akin na magbabago din yung pagkamahiyain ko. Sana naman.

In fairness, ang cute ng guy, kasi chineck namin sa prenster profile nya. He has beautiful eyes and a body with a slight carpet all over(fetish ko pa naman yun). Pero may anak. Pero ok lang kasi malaki naman ata ang pagibig nya. He has the eyes of Derek ramsey and a slight relevance with vandamme(bata bata pa version). Naalala ko pa nga ang email address weh. Pero di ko sasabihin para fair sa part ni dave at ni guy.

At yung post naman ni Punked talagang naapektuhan ako, kasi naman pagibig nya yun na hinahabol nya. Masyado pa naman akong sensitibo pagdating sa ganyan. Pag ako nasaktan emotionally, naapektuhan ako-sa work kahit sa paglalaro. At di ko pa naranasan ang heartbreak sa jowa kasi zero lovelife ko. Masyado siguro akong magigng devastated kapag may breakup mode ang drama ng relationship ko. May isa nga insidente na sinundan ko yung crush ko nung highschool sa may village nila tapos tinanung ko kay crushie kung saan ang project four na street(na alam kong street ng bahay nila) tapos mega rejection ang ginawa sa akin. Binilisan nya nag pace ng paglakad nya tapos di nya sinasagot ang tanung ko. Sumisigaw na ako ng "anu ba, magsalita ka naman!" Talagang eskandalo ang eksena. tapos nung di na ako makapaglakad ng mabilis tumigil na ako at natulala. Umuwi ako sa bahay ng former friend ko na umiiyak. Nilakad ko ang halos isang kilometrong kalsada simula Moonwalk village hanggang southmall tapos pasok sa Pilar village ng humahagulgol. Ngayun iniisip ko na muka akong engot nun. Panu ba naman binasag ni crushie ang batang puso ko. Waaaaaa! nakakahiyang balikan yun! ok erase! erase!

Sa application ko naman sa work, parang ayaw ko na ngang i pursue weh, ngayun kasi ang last day nya tapos yung idea pa lang ng gigisahin ka sa interview ay nakakabutterfly na. wag na lang muna. I need more time.

Moving forward, sisimulan ko na talagang magapproach ng mga prospect. Nasa mata daw yung go signal eh. Ang dami kong chances ang pinapalagpas, kung oportunista at medyo assertive ako sana, nagkaron na ako ng ex(LOL!) Sabi nga sa akin ni Ishnavera, na dapat I need to put myself in the market kasi walang bibili sa yo(siguro kung hot ako, mega sale ako sa seb's!)
Buti na lang may blog para i exhaust ang nilalaman ng puso ko. May mga kaibigan ako dito. At alam kong susuportohan nila ako.

Di ako nagiisa.

Thursday, February 21, 2008

Between Scylla and Charybdis

*It completely shatters my ingrown belief*

I have to let this out of my heart.

‘Cheating is healthy. It’s a lifestyle that PLU’s will eventually have to encounter. As long as the other partner doesn’t know what you’re doing is, you’re safe. The rules bout loyalty and monogamy have changed.”

--Nathan using his “heart” to counteract the acts of cheating.

But it’s a fragile rule and One big mistake.

Malilibog kasi ang mga bakla eh, kaunting kati, kamot na kaagad. Init lang naman yan eh kaya ka nakikipagkantutan sa mga taong labas sa relasyon nyo. Unfair. Minamahal kita pero may kakabayuan akong ibang tao kapag gusto ko ng ibang flavor. Ang maganda pa sa cheating kasi pede kang gumamit ng mga high-falluting-words-of-wisdom-sugar coated-to-suit-your-needs na pananlita para nga naman ma justify mo na “cheating is a form of transcending the relationship further.” Sang lupalop ba nanggaling ang batas na yan. Nagging pilipit na ba ang pangmalas naten sa pagibig?

Sabi nga ng fwend ko thru text:
“People cheat coz they are not content in their relationship. Whether it’s physical emotional or physical. Something might be missing regardless or known or unknown. Cheating is a form of seeking outside the relationship; it’s not an act of love or kindness.”

Kapag ikaw ang nabiktima ng panlilinlang, wala kang karapatang maging malungkot, kasi naging masaya sa paggawa ng kalungkutan ng iba.

Thursday, February 14, 2008

Say what is on your mind.

Gusto ko ng isuka ang pagkausap sa mga kano at magpahinga muna ng sandali sa stress--kahit two months lang. Matatransfer pa kami sa ibang mala potang team para daw I gauge ang performance naman ng maayos. Sabayan pa daw ng mga balentimes couples sa southmol na ang saya saya(inggit?!).

Di ako naiinggit(nagdahilan pa!).

Yung mga bakla dito sa opis nakapasocialite! Kung sino sino ang mga kakilala(isama nyo naman ako sa mundo nyo!)Nakakatuwa at nakakainis silang tingnan. Nakakatuwa dahil ang saya ng mundo ng mga bayot. Nakakainis kasi di ko makarelate sa mga pinag eeavesdrop ko sa kanila...keshong yung kadate daw ni ganito sweet...yung kay anu naman daw galante tapos may kotse pa...tapos ako nakangiting aso lang sa customer ko kasi ako walang kadate. walang pa akong maipagmamalaki sa sarili ko. Kung tutuusin cute naman kasi yung tropa nila. Medyo eyecatcher din.

Sa alang-wentang-kwento kong to, naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni troy nung sinabihan ko sya na makikipagdate ako sa dati naming opismate na pamhinta, natuwa ang loka, sabi nya may "use" pa daw ako at may natitira pang byuti--yun daw ay ang inner-byuti. Lintek. Buti na lang di bumaba ang negative balance kong confidence.

At ung crush ko na may ari ng computer shop, na lagi kong pinglalaruan ng granado espada ay mayasawa na ata ng mukang japayuki. Cute pa naman nya. Pagnagtatagpo ang mga tingin namin, tinataas nya ang dalwang kilay nya, basta parang ganun, di ko naman alam ang tawag sa gesture na yon eh. Parang Oo ang effect nya pero silent kaya taas kilay na lang. Basta ganun. Grabe, ang cute pa naman ng legs, napakatoned at medyo mabalahibo. Kapag ganun pa naman ang legs ng lalake parang gusto kong dilaan ang legs nya hanggang singgit. At sana lang yung crush ko ay di paglalandiin ng mga pokpokish girls kasi akin lang sya. At dahil ayaw naman nyang makipagusap sa inyo,wag mo ng ipilit kasi ako lang ang nasa isip nya! How I wish. gusto ko ding isipin na parte sya kabaklaan para ligawan ko sya.

Sana lang mas maging Mr. Friendship pa ako.

Moving forward to reality...

grabe ang haba ng avail time namen dito sa opis, umaabot ng 20 mins. So twenty-minutes ng chikahan...Bente-minutos ng pagiisip kung paano makakalayo sa convergys alabang...dalawampung minuto para ibuhos ang natitirang latak ng puso ko. Dito

Friday, January 18, 2008

Flab

Gusto ko ng pumayat ng madalian within 1 month. Swimming muna tapos gym tapos fruits tapos oats tapos isusuka!! yay!

Malakas akong kumain. Voracious ang appetite ko. pagdating sa sweets, di ko rin mapigilan sarili ko. Kailangan kong ingatan ang health ko kasi sabi ng doktor ko pede daw akong maging "jabetic" within 10 years. Ang hirap naman kasi magpigil sa pagkain. Gusto ko ngang batukan ung isang opismate ko eh, kakain ng steamed tilapia na walang kanin tapos pag tapos na sasabihin "ok na sa akin yun, busog na ako." AS IF!

Ayaw kong maging tulad nila, kakain ng kaunti o kaya ng "crakers" sa opis tapos sa gabi magtotwopiece chicken sa jollibee with an extra rice. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kung gawin ang sinasabi ko kasi nagfofocus ako. At di mapupunta sa wala ang pinaghirapan ko. Dapat ko na ring masuot ang mga medium sizes na damit ko para maging "hunky." Sa mga nakaraang araw parang masaya ako eh. Sana magtagal yung mood. Gagawing kong parang chewing gum ang fruits para ma suppress ang hunger ko. Tapos oats with raisins ang bananas ang breakfast. Lunch, dapat---magpakavegetarian na lang ulet ako no?! Tutal maganda naman ang naging resulta ng vegetables sa katawan ko eh.

Excited na ako. nakalista na ang lahat ng bibilhin sa palengke ng alabang. Goodbye fat.

Monday, December 31, 2007

Season of Love: Cheating

why do people cheat on a highly-coveted, so-called "relationship"?

What's up with that?

Is it the hunger for sex?! Is it a mega-super duper ego booster?! How bout trying to maximize your goodlooks to your advantage?

My friend, whom I personally call a "Magdalena," just broke the heart of his longtime boyfriend in search for a more earthly desire that his relationship already provides.
I hate it. I really do. I just thought he might have been saturated by the love he had been longing for. Now to experience and destroy it completely shatters as to what love describes. Maybe there should be a name for "love" entitled to cheaters.

Now what? After a 4-minute quickie, you'll be left as a sex toy. One way or the other, you'll yearn for a relationship again, but since the universe knows that you'll eventually cheat when you get the hang of it, It'll give you a person that would grant your eternal wish: to be cheated in return.

To all those people who love unconditionally and maintain a simple relationship: you make me smile.

To those who know that cheating is bad but do it nonetheless: tangina nyo.

Monday, December 3, 2007

Freedom 90

Naiinis ako sa mga taong nagpopost ng mga pic ng mga taong di nila kilala sa mga website at gawan ng joke kung ano ang itsura at pinaggagawa nila! Dahil di naman ako biktima, bakit ako apektado?

Kasi naman, sino ba ang gustong pagtawanana sila sa harap ng mga taong di naman nila kilala?! Sino ba ang gustong laitin, kahit ang taong nilalampaso mo ay di akma sa iyong panlasa?!Hindi porket pagdating sa itsura ikaw ang pipiliin ng madla, may karapatan ka ng mukhang gawing kakatwa ang itsura ng iba. Respeto kumbaga.

At alam ko din na kalayaan sa pagsalita ang ginagawa mo. Pero isaalang alang mo na lang
ang damdamin ng iba. Malay mo maging kaibigan mo sila o kaya naman naging isang malapit na kapitbahay. Papaano na lang kung makita ng mga kaibigan at kaanak ng taong nilalait mo ang picture nya. Anung saloobin kaya ang madarama nila?


Kaya minsan, hayaan mo na. Gusto lang nilang mapuna. Gusto lang nilang ipakita kung ano sila. Gusto nilang may magmahal sa kanila. Pansinin mo rin sana na sa mga ng iba mahalaga sila.