Friday, January 18, 2008

Flab

Gusto ko ng pumayat ng madalian within 1 month. Swimming muna tapos gym tapos fruits tapos oats tapos isusuka!! yay!

Malakas akong kumain. Voracious ang appetite ko. pagdating sa sweets, di ko rin mapigilan sarili ko. Kailangan kong ingatan ang health ko kasi sabi ng doktor ko pede daw akong maging "jabetic" within 10 years. Ang hirap naman kasi magpigil sa pagkain. Gusto ko ngang batukan ung isang opismate ko eh, kakain ng steamed tilapia na walang kanin tapos pag tapos na sasabihin "ok na sa akin yun, busog na ako." AS IF!

Ayaw kong maging tulad nila, kakain ng kaunti o kaya ng "crakers" sa opis tapos sa gabi magtotwopiece chicken sa jollibee with an extra rice. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kung gawin ang sinasabi ko kasi nagfofocus ako. At di mapupunta sa wala ang pinaghirapan ko. Dapat ko na ring masuot ang mga medium sizes na damit ko para maging "hunky." Sa mga nakaraang araw parang masaya ako eh. Sana magtagal yung mood. Gagawing kong parang chewing gum ang fruits para ma suppress ang hunger ko. Tapos oats with raisins ang bananas ang breakfast. Lunch, dapat---magpakavegetarian na lang ulet ako no?! Tutal maganda naman ang naging resulta ng vegetables sa katawan ko eh.

Excited na ako. nakalista na ang lahat ng bibilhin sa palengke ng alabang. Goodbye fat.

6 comments:

. said...

Basta focused ka lang bro. It may be hard to rip in a month, but it's a huge step in getting yourself fit.

DN said...

hehe. effective daw hiphop abs at fit n right. ayon sa mga endorsers nito. lol.

dean said...

kainspire naman!! ako nga rin!!
post ka ng before and after shots mo!!

btw, dean po yung name ko.. ty!!

wanderingcommuter said...

bakit kaya hindi na lang yung isang gabi i-wish mo na bukas paggising mo may abs ka na? haay, ang hirap mangarap. hahaha!!!

good luck sa iyo!

TL said...

Basta kain lang ng kain. Kailangan ang energy sa pag punta sa gym :)

Robert Drew said...

Goodluck! :)