Sunday, November 2, 2008

Time after time

Pedeng magpalit naman tayo ng status, pede bang ikaw naman yung maghabol, pede bang tumuntong ako sa sitwasyon mo ngayon, para kasing ang saya mo eh. Palit naman tayo ng buhay kahit isang araw lang, imamaximize ko ang use mo, wag kang magalala. Tingnan ko lang ko mas magiging lovable ba ako sa tingin ng ibang tao kapag ako na ikaw. Kahet minsan lang no?

Akala ko pa naman ang tapang ko pagdating sa ganito, heto na naman, after 8 failed attempts sa romance siguru dapat kong baguhin ang style ko, dapat siguro mas swabe ang dating. Mas relaxed. Para kasi ata akong killer kung nagyayayang magdate eh, baka muka lang talaga akong killer. Come on, eight failed attempts sa romance, sino bang di panghihinaan ng loob nun?!. Anung strategy kaya ang dapat I set next time? Siguro dapat mag put kaya ako ng mga fake profiles sa net then maging “sila” for the next few months then I lure sila sa aken, then itrap ko sila. Talk 'bout showing your true colors!

Tapos si francis di na ako kinakausap, la na sigurong chance for a second try. Namimiss ko tuloy sya. Nakarma siguro ako sa ginawa kong panggagago sa kanya. Eto ako ngayun isplattered na ebak. Sino naman ba ang next? San na ako pupunta?

Kung pede lang magpalit ng pagkatao, at least kinopya ko na ang personality at features ni benjie, at least yung lovable, madaling makahanap ng magmamahal. Sa labanan ngayun, puro ideals na ang competisyon, wala pa akong maioofer sa kanila bukod sa “true love” at “confidence.” Tang’na sana maymagalok ng true love sa akin. Yung tipong magiging proud ako. Sa pinuntahang Geb kagabi, puro sila mga past lovers ang topic. Ayun naanod ako kasi di ako nakasabay.

Ito na naman po tayo. Try ulet ng romance. Mahahanap din yan. Di ko siguro year ngayun. Sana next year iba na hatol ni cupid.

“I have a need to feel special too”-Special/Janet Jackson

2 comments:

wanderingcommuter said...

hahaha... i like this one... bakit kaya hindi pwedeng magpalit naman ng status...


sana kung ganun lang kadali noh? haaayyy

. said...

... sa halip na naghahanap ka ng magmamahal sa iyo, bakit kaya hindi mo subukan na maghanap ng mamahalin. That would be a good start.

Eight failed romance, ayus lang yun. And btw, hindi ibig sabihin na gwaping at hottie ang isang lalaki eh madali siyang mahalin. Gaya nga ng sabi ko sa isang forum last summer, minsan, kung sino pa ang mga biniyayaan ng good looks, madalas sila pa ang miserable sa relationship.

I rub elbows with some of them, believe me. I know.