Monday, May 19, 2008

Inggiterang post

Bryan: haay!! Pauwi p lng aq, musta po?!

nathan: Anung oras ba shift mo?

Bryan: 2-11...galing pa ako sa inaanak namin...

nathan: aq nand2 sa g4 4 a gala. hehe. As usual!!

Bryan: Wow! Hus wd yah?!

nathan: nagtanung ka pa! xiempre aq lang!

Bryan: ngek...panu ka gumagala kung ikaw lang? dnt get it...

nathan: Parate namang aqng magisa kung umales eh, at di porket, gumagala ako, may kasama aq. mas gusto ko minsan ang gumala ng magisa. At wala naman akong bf no!

Bryan: ganun..uki(tapos smiley)

Ang boring pala talaga na tao. Loser pa! Boring at Loser. What a combination!
Pinarealize nya lang sa akin kung gaano "di kanormalan" ang lumabas ng magisa araw araw. Madalas ko pa naman syang katxtmate, kaya madalas alam nya kung anu ang mga pinaggagawa ko--lumabas magisa, kumain magisa, manuod ng sine magisa. Basta lahat ng bahay na ginagawa nyo ng may kasama ay ginagawa kong magisa.

Si essie nama kasi minsan busy. Si jerome naman parateng "next time na lang" ang reply sa txt. Yung iba ko namang kaopismate ay di gaanong interesado na kasama ako maliban na lang kung "cvg affairs." At di naman malaki ang network ng friendships ko. Isa pa, iba-iba na kame ng schedule sa opis kaya di na rin sabay sabay umuwe.
Si patrick naman ay busy din sa work tapos sa off nya nasa bahay sya ng boyfriend nya. Bihira na din naman akong imbitahin sa bahay nila, di tulad ng date.

Minsa gusto ko ring maging "cool." Minsan gusto kong magblend in sa mga taong "in." At sana naman din, kahit minsan, ako ang bida.

Di ko alam kung bakit ko ito naisulat. Siguro nalungkot lang ako sa ideya.

p.s: di na masyadong nagiistay ang mga negativity sa "puso" ko. Buti naman! Everyday im starting to feel better. hehe. im proud of myself.

Friday, May 9, 2008

Ang hatol ka Shamashu

Kanina lang binigay ang sentensya ko. Madaming papel ang ipinirma. Kala ko naman ay madaling iabsord ang ideyang 10-araw na diretsong suspension mula sa pagkakahuli kong nagsusurf sa internet. Medyo nawala ako sa ulirat.

Handa na sana ako mentally sa suspenion ko. Akala ko ganun lang kadali, pero nagkakamali ako. Di pala ganun yun.

Isa pang tangina nila para sa paglapat ng isang bwang suspension! Tatlong taon na sana ako sa May 20 pero, dahil sa kanilang "kind justice" ilalagi ko sya sa bahay ng walang pera! Anu na lang ang gagawin ko sa mga bills ko! Buti na lang at pinakancel ko na ang gym ko ngayung bwan at buti na rin lang at may kasaman quarterly bonus ang makukuha ko sa may 15! Sa iba siguro, kung mangyari ito sa kanila ay diretso ng magreresign. Nakakakahiya pang bumalik pagkatapos ng isang buwan, pero ang pagiging "tenured" ko sa work ang nagpipigil sa akin na lumipat sa GenPac.

Simula may 13 hanggang June 12 ang parusa!

Wala silang mga puso!

Sa punto ngayun ay naguguluhan ako kung ipagpapatuloy ko pa ang work ko kay cvg pagkatapos ng suspension at magsimula muli o kaya naman lumipat sa ibang companya para magstart sa "scratch."

Ibig sabihin ng lahat, babalik ako sa mega bum life ng isang bwan, walang load, walang panggimik at walang nagagawang productive at tiisang magtipid hanggang makakakaya! Ang mas mahirap pa ang yung bumalik. Di naman ako mapride na tao pero ako lang ata sa cvg ang mananatili sa trabaho pagkatapos ng "nakahihiyang" suspension. Yung tl ko nga dati sampung araw lang na suspension ay dineretso na nya sa resignation!

Sa ngayun, di ko talaga alam kung anu ang pinakamainam na gawin. Ang gulo ng isip ko.

Wednesday, May 7, 2008

forevermore

I've been there once before
but I have never touched
your glazed body
like mine

You move your hands
to the sound of the tempo
rubbing my back
like a pillow

scrubbing, salting
pouring a sweat
dripping in oil
shivering, panting

then we had sex

kung meron lang

Kung meron lang...

Kung meron akong boyfriend
magkakaron saysay ang pagiging single ko noon
mas magiging masaya ang gumala sa mall
na mas may panahon akong alagaan ang sarili ko at sya
sa pagikot ng panahon

Kung meron akong boyfriend
maniniwala siguro ako sa wagas na pagibig
na ang mga finoforward kong text ay magiging
kaaya aya, na sa pagtulog ko sa gabi ay amoy ko ang katawan nya
Di ko na lang aamuying ang hininga nya sa umaga

Kung meron akong boyfriend
mas masarap kumain ng hopia at bibingka at
pupunasan ang bibig nya kapag pakai'y ubos na
And debate nyo ay mauuwi kung sino an g kapanipaniwala

kung meron akong boyfriend
magbibibrief ako sa salas nila
at tawag ko sa mama nya ay tita
iimbitahan ako kapag birthday ng kapatid nya
at kasama sa pagluto ng inihahanda sa mesa

kung meron akong boyfriend
unang makakaalam si essie at shamashu
isusulat ko sya sa blogspot
at malalaman sya ng lahat
kung meron lang...

P.s ginawa ko habang umoorder ang cust ko ng adult payperview. hehe. nainspire?!

Sunday, May 4, 2008

This is really is it!

Thisis it!

Ito na ang pinakaboring na araw sa taon ko. Ang lahat na kadalasan kong mga ginagawa ay di na nagiging interesado. Di na rin ako nagge-gym. Matatapos na ang contrata ko sa May 31st at dalawang linggo na din naman akong di nakakapagworkout. Akala ko nga mamimiss ko sya ng todo, di naman pala.

Isa pa ang mga online games ko. Noong dati nakakatagal ako sa PC sa loob ng mahigit 18 oras sa isang araw, pero ngayun mga tatlong oras na lang nila-logoff ko na mga characters ko sa Granado Espada.

Isanag araw pa lang to wah! Panu na kaya kung masuspend ako ng diretsong sampung araw! Makakatagal kaya ako sa maghapong kain-tulog? Sana lang ay di gawing straight-day suspension ng management(o ng tl ko) ang nilapat sa aking penalty> kawawa naman kasi ang magiging sahod ko nun kung magkaganun. Windang talaga!

akad ako ng lakad kanina sa Southmall at di ko alam kung saan ako ppunta. Naisip ko nga na sana may work na lang para kahet papaano productive ako,pero naisip ko din na twice a week lang naman ang off namen kaya i-cherish ko na muna.

Yun nga lang di ko alam kung panu gagawin ang pag"cherish" na yan.

Sinimulan kong maghanap ng indie film sa PDI pero wala pang gay-theme ang ipinapalabas.

Pumasok ako sa Mcdo para kumain...umalis din ako kasi di magandang kumain ng kumain kapag bored. Isa pa, sangkatutak ang transfat ng mga fried chicken nila. Parati pa naman akong two-piece spicy chicken. Hehe

Shit ito rin ang tema ng sinulat ko sa journal ko nung bum pa ako. Naalala ko nga pala na isinulat ko doon na natural na lumalabas ang mga bagong magagadang gawin kapag bored to death ka na sa routine mo. Ito ang mga panahong tinetest ng universe ang perserverance at patience ko.

Ano kaya an magiging panapal sa off time ko lalo't stagnant(mejo) ulet ang buhay ko?

Siguro bagong trabaho? Bagong perspective sa buhay? Lovelife?!

Sa panahon ko ngayun, di naman masamang maging optimistic ako sa mga bagay-bagay na darating.

Lalo sa ngayun.

Thursday, May 1, 2008

2 u 4 me

Pinnacle is on top
Rockbottom is down
Change the weather
no, you can never

I've reached the highest point
Gone down, very low
Soon I'll be parted
with sorrow;I don't know

Reactions are free
Feel free to see me
Clarify my thoughts
Do you get me?

You have been wandering
I am lost too
Hope to find your way
I'll pay my respect to you

Be the first to know
The last to listen
Deviate your courses
Only to find emptiness

Saturday, April 26, 2008

Suspension for ten days!

Letcheng sipsip na tl yan, kala mo di pala surf ng net kahit nuong agent pa lang sya! Ayun contrabida ang drama nya at nireport na ako diretso sa OM ng nagsusurf ng "unrelated internet sites" ng di sinabihan ang aking IMMEDIATE supervisor.

In short masasabon ako.

Alam ko namang mali ako, pero dapat di nya inoverride ang authority ng tl ko. Para tuloy akong mapapagalitan ng nanay ng inaway mong kalaro ng di muna kinakausap ang mama mo!

Nagcheck lang naman ako sa entries ng mga blogfriendships ko ah.

Iritang irita talaga ako kahapon.

Tangina nya, wag nya lang akong iritahin pa, tigang pa naman ako ngayun...

Bibiyakin ko sya!

Gameplan

Anu bang gagawin kapag day off? Usually gala ako southmall, laro ng online game, tambay sa ATC o kaya nuod cine.

I be-break ko na ang monotonous cycle.

Especially ngayun na "I feel good" ang emote ko.

Pupunta ako ng mga town na di ko pa narating. Pasok sa mga "medyo" risky na bar for a "show." Tambay ako gym and make friends. O kaya, magapply sa mga online gaming community bilang isang factotum(hehe).

Dapat out-of-the-box ang drama.

Nakakaswa na kaasi ang pulit ulit na routine. Di mo na aapreciate ang kinikta mo kung nagsasawa ka kan sa pinaggagawa mo.

I'll take risks one step at a time and enjoy life while it lasts.

Carefree but careful.

Ang saya nun.

Thursday, April 24, 2008

Simbuyo ng damdamin

Panu ba ang pakiramdam ng isang halik?
Naamoy mo ba ang laway nya?
Panu kung tumatama ang mga ngipin?
Gagalaw ka pa ba?

San gumugulong ang iyong dila
Sa loob ng mahal mo
Pede din bang tumulo ang laway
Kapag tuloy-tuloy ang halikan?

San gumagapang ang kamay
Kapag nadadala ka na sa eksena?
Maaamoy mo rin ba ang kinain nya?
Mauubusan ka ba ng hininga?

Panu ba ang pakiramdam
ng isang mainit na yakap?
O kaya ang paghaplos sa buhok nya
habang ka biruan ka?
Anu ang nagiging amoy
ng pinagsamang init ng katawan?
Paano kapag kinurot ka sa pisngi
sabay sabi "dyan ka lang"?

kapat natutulog na ba kayo ay hihigpitan mo
ang yakap sa kanya?
Panonoorin mo ba syang matulog at humilik
at kiligin dahil dito?
Paano kung pasma ang kamay nya?
hahawakan mo pa ba?


p.s di ko alam kung panu ending nito. parang nahirapan ako weh. roughdraft pa lang yan(alibi!)hehe. ang sarap pala kasing gumawa ng tula!

Monday, April 21, 2008

Should be there

I want to be in your shoes
then hold your hand while walking
fly past our insecurity
to belong in the world of admiration

the stage is set unclear
you are not going near it
sublime entrance
and wander the past

you will not be it
I am not you
time runs like a wound
and you are wounded too

water is a dream
I am dream of it's existence
take me with you
I love you too


p.s mas cathartic ang gumawa ng poem minsan.

Thursday, April 17, 2008

Untitled

I don't like letting go
It fears me the most
The most soft side of me

gathered some strength
mustered the power
courageous defeat

cynical ambition
for some
high end; spirits soar

Tuesday, April 15, 2008

Quote from GA

"Why do we keep hitting ourselves with a hammer?"

"Because it feels so good when it stops."


La akong maisip na post. Darating din yung emotion para gabayan ako sa post ko.
For now, turbo gym mode, magopen up ng savings account at magisip kung panahon na para tapusin ang two-year employment sa cvg para makapagstart ng bago.

May tendency pala akong umiyak na parang gripo kapag na bulls eye ng isang tao(ok si essie!) ang core ng emotion ko. Nakalimutan ko na kung anung sinabi nya(post mo dito essie). Buti na lang at bigla kong nasuppress, kondi, magmumuka akong naluging businessman sa lounge ng fitness first.

Ang daming kailangan I-let go. Una, ung contract ko sa fitness na mageend sa April 30th. Naging part pa naman sya ng life ko bigtime. Kailangan ko din kasing magbayad ng iba pang bills, 2.5k din kasi ang monthly fee ng gym. Parang di ko alam kung san ko gugugulin ang panahon kokapag tapos na sya; di mo alam kung anung magiging replacement ng timeslot mo sa tanghali inbetween 2 pm 'til 5 pm.

Tapos yung ano...

Sunday, April 13, 2008

Ambivalence

Letcheng tug-of-war to.

Di ko alam kung aabante ako; kung aatras. Hirap kasing magtimpla ng emotion. Hirap ding maginterpret ng mga codes. Di mo naman gustong sumuko, pero ayaw mo din na humarap sa sitwaston. Sana lumipas na lang to.

Sige go lang ako ng go. Naguguluhan lang talaga ako.

Letcheng courtship to. Iwas muna ako sa yo.

Spur of the moment ideas

Kapag nanghingi ako ng chichirya sa mga kaopismate ko, minsan nauubos ko. Minsan ako pa ang nagbubukas para "tumikim." Ganun ako weh. Ok lang naman din kung ginawa din nila yun sa akin. Pero naiintindihan nila kaweirdohan ko. Di naman sila nagagalit kasi minsan may mga "peace offering" naman ako. Kapag naubos ko naman pagkain nila, binibilhan ko din sila ng bagong food. Yun nga lang, pera pa din nila. Hihi.

**************

Talagang may pagkaweirdo daw ako. In a good way naman daw. Di naman maipaliwanag ng mga kakilala kung bakit. Parati nilang sinasabi na may pagkasarcastic daw akong magsalita. Ang mga tanung ko daw parang may mga duda/accusation na tone. Buti na lang at naintindihan na nila na na wala sa akin ang tono ng boses ko. Part lang talaga sya ng pagkatao ko. May instance pa nga na naguusap kami ng chemisty graduate friend ko,tapos sinabi ko sa kanya na gusto ko ding kumuha ng course nya kasi gusto kong gumawa ng lason. Napangiti na lang ang mga nakarinig. wahehe. Pero di lang alam ng kausap ko na gusto ko lang talagang magusot ng lab coat*tumambling* hehe

**************

Madali akong panghinaan ng loob. Negative thinker kasi. Kaunting defect lang ng sitwasyon ay napapaisip na akong magdeviate ng plano. Pero ang tingin ng mga former friends ko, calm and solid fighter ako(hehe, yan ang description ng manga kay sailor neptune weh.) May previous comment pa nga yung isang friend ko na, Im always a standout na para daw supernova sa universe kapag inilagay sa isang room(exagge talaga!)Ewan ko ba kung bakit ko sinabi to, siguro nagpapalakas lang ng loob. Makapagkape nga.

Friday, April 11, 2008

Pana-panahon

Ganyan ka ang "dalas" ang mga major changes sa buhay ko. Kada dalawang taon.
May sariling orasan ang lahat sa buhay ko. Kahit sa anung "field sa buhay",twenty four months ang maturity nito.

Twenty four na ang nakakaraan ng pinaglabanan ko ang pinakamatitinding insecurity ko. Akala ko pa naman di matatapos ang unos na yun. Masyado kang apektado sa lahat ng pinakamaliliit na details ng itsura mo. Minsan nga ayaw ko ng pumasok kapag napapangitan ako sa sarili ko. Minsan din talagang di ako tumutuloy sa trabaho. Sobra din ang inggit ko sa mga taong may mas mataas na "lifestyle" kada sa akin. Naiirita ako sa mga kaopis mate ko kapag mas marami silang kasama kapag uwian; palibhasa loner ako, di ko pinapahalata na gusto kong sumama sa kanila. Di rin ako makatagal sa mga taong magsyota, lalo na yung mga gay couple kasi pakiramdam ko nuon di ko mararating ang "couple" na status. Pero ang bilis pala ng lahat ng mga pangyayari. Di mo akalain na unti unti na syang syang maglalaho at magkakaron ka ng bagong saloobin sa mga taong nasa paligid mo. Wala na talaga ang insecurity ko ngayun. Nalunod na sa tagal ng panahon. Tagal din nun. Dalawang taon.

Dalawang taon bago ako mainsecure ng todo, wala akong trabaho. Katatapos lang ng contrata ko nuon sa Kenny Roger's Roasters. January yun. At di na nasundan pang muli dalawang taon matapos nun. Pero araw araw akong nasa arcade. Yun ang bisyo ko. At dahil wala ka pang perang pangtustos sa pambili ng mga tokens, kumukupit ako sa nanay ko. Minsan nga kahit singkwenta pesos lang ay solb na ako. Aabutin na ako hanggang magsara ang mall. Pero mabilis naman ang oras dahil masaya ka na sa buhay mo at parepareho kayo ng mga tropa mo sa arcade na mga "palamunin." Kahit gutom ka na ay kailangan mo na lang tiisin kasi tama lang ang pera mo para makauwi. Nagsawa ako kaka"challenge" sa mga dayo ng arcade. Talo din naman ako sa huli. Pero nung papalapit na yung 21st bertday ko, Napaiyak ako sa kama pagkagising dahil sa kawalan ng gagawin sa buhay. At dahil impulsive na ako nuon, nagasikaso ako para magaaply ng trabaho. Call center ang ginusto ko dahil gusto kong magipon para makabili ng laptop. At nung araw na yun, Convergys ang tinarget kong aplayan. Sa mga isandaang aplikante ng Convergys alabang, ako lang ang natanggap(sinabi sa akin yun ng isang hr officer nung matapos ung final interview). Bihira na ako ngayung magacarcade. Nabobore na nga ako minsan dun weh. Sa loob ng mga ilang araw, nakuha ko ang unang sweldo ko. Tinereat ko ang sarili ko. Nagarcade sa Alabang Town center ng Virtua Tennis ng buong araw. Siguro kailangan ko lang talagang maranasan un para maintindihan kung gaano kahalaga ang pagiging responsable. Di ako babalik sa buhay na yun.

Two light years bago ako bum, may isang tropa ako na tinagurian kong "bestfriends."
Kaibigan ko sila mula grade 1 pa lang. Kala nyo magtatagal kayo habambuhay kasi nga sabi ng Spice Girls "friendship never ends"(ako si mel b sa magkakaibigan/lima din kasi kami). Nung nagkaroon na sila ng tigiisang lovelife, di na kame madalas magusap at magkita, yung isa kong kaibigan na transgender, may boyfriend na Homophobic. Si Friendship #2 ay may boyfriend na din na taga UST. Si friendship #3 may lawyer na sugardaddy. Kala mo magiging ganun na lang parati--pupunta sa bahay ni friend#2, kakain, sasayaw sa tugtog ni Britney Spears, magkakape, maguusap tungkol sa walang kamatayang future.

Inaamin ko kasalanan ko din kung bakit kami nagkawatak watak, nagsimula yung paglamig ng samahan ng sinabihan ko si friend#3 na salawahan sya kasi may boyfriend sya kapag weekends, may fubu namam sa ibang araw. Sa una di naman ako tutol kasi wala naman akong masamang masasabi sa ginagawa nya. At tingin ko nuon isang social status ang makipaglandian sa ibang lalake kahit na may bf ka na. At pakiramdam ko nuon napakalayu na nila sa akin kasi ako na lang ang walang bf nuon. Nuong araw na sinabi ni walter sa akin na may iba na syang boyfriend after ni "Lawyer" nairita ako sa inggit, sinabi ko na napaka "magdalena" nya; na pumayag syang makipagdo sa halagang 100php. Nagkasalitaan kame ng masasakit. Tagos buto talaga. Di nya lang alam nalungkot ako sa ideya na ako ay wala pang bf at sila namamayagpag na ang lovelife--inggit nga naman. Di na namin niresolba ung alitan namin na yun. Nangyari yung pagaaway kay friend#3 tatlong linggo bago ang bertday ko. Di na kame nagusap muli mula nuon. Kumampi na lang si friend#2 kay #3. Nagkaisa sila. At bago magxmas pagkatapos ng pagaaway na yun, di na din ako kinausap ni friend#2 mula nuon. Former friend na lang ang turing ko sa kanila. Di na mababalik ang "SpicePower." At wala na ding mga friend para tawagan at kulitin ko sa mga bago kung crush.
Namiss ko sila, pero di na ngayun. Wala na akung balita sa kanila kahit na nasa isang village lang kame. Matagal din akong nalungkot pero matagal na yun.

Ang daming nangyari. Pero naging masaya ang "journey." Ngayun iniisip ko na ang lahat ng hinahangad ko ay may kaniyang panahon para mahinog. Kahit na nakalulungkot ang buhay bum ko nuon naging simulain sya para maging ganito ako ngayun. At dahil wala na akong mga kaibigan, panahon na para maghanap ng mga totoong tao. Ang dami daming pedeng mangyari sa susunod na dalawang taon ng buhay ko.

Di na ako makapaghintay kung ano man yun.


*parang tumambling ako sa post kong to. ewan ko ba!*walang panahong i proofread! down ang firewall ng cvg ng 30 minutes! basta write and post lang. haaayyz. wala munang lovelife lovelife!!