Akalain mo nga naman no, niyaya kitang magmit nung isang linggo pero di mo ako tinanggihan, putcha sa wafu mong yan ang dami mong boyfriend pero napili mo pa ding i meet ako kahit gabing gabi na. Matakaw ka nga eh. dami mong nakaing jobee nung nilibre kita, amf, parati naman pala kitang libre no?! haha. Tatlong beses na tayong nagmit for this month!
Dati nagsasabihan na tayo na tayo since we like each other naman sa txt, magiging "tayo" na kapag nagmit, pero nung nagkita tayo sa southmall para manuod ng cine, na syempre ako ang taya kasi 3rd year nursing student ka pa lang, niyaya mo lang ako for an seb. Sabi mo pa nga sa akin na medyo kakasawa na ang magboyfriend kasi papalit palit ka lang naman, isa pa, inaaway mo kasi ang mga jowa mo. Kahit kaw ang may kasalanan, hala, warla mode ka pa din. Bitch ka na kung Bitch, pero inamin mo din naman sa akin na ganun ka talaga ka--pasaway. Pero ako isa lang ako sa mga dami na mga kakilala mo na nakakaintindi at nakakatolerate sa ugali mo, eh ganun ang tingin ko weh, at least nasasabi ko na "ako lang ang para sa iyo."
Alam mo na kapag dumadaan ka na nakaporma, tinitingnan ka ng tao kasi bukod sa wafu ka, balbun ka pa at may contact lenses pa, putcha blue yun eh. Ang ganda nga na mata kapag tinitingnan ko.
Naalala ko tuloy, nung nanuod tayo ng cine, naghalikan tayo. Pakiramdam ko ang hava ng hair ko nun kasi sabi mo di ka humahalik sa mga taong di mo buddy. So may puntos na din ako for you.
Ewan ko nga eh, nasasabi ko sa txt na gustong gusto kita pero sa personal, kapag nandyan ka na, wala na...di ko na masabi kung ganu kita gustong maging bf. Alangan din naman ako weh, syempre may ego din naman akong pinangangalagaan. In short, kung maari, ayaw kong ireject mo ako. Sabi mo mas ok na din kung friend na muna tayo, friends with benefits. Aray ko, sabi ko...ganun lang yon?!
Putek, itetext mo lang ako kung nangangati ka, ganun na nga ba?!
Isa pa pala, sinabihan mo ako na dapat fashionista ako...kasi nga mga "bi" tayo. At dun daw kilala ang mga bading..ok sabi ko, at sinabi mo din sa akin na "try mo minsang magayos"--nakow po, tumbling, wala akong alam pagdating sa pagiging "fashionista."
Tingnan mo, pati sa blog ko nahihiya pa akong aminin: alam kong madami kang naging x na sobrang wafu, at wala akong panama sa kanila, pero kapag gusto mo na ng "substance over quantity", nandito lang naman ako. Intay kita.
Curso de Maquiagem Passo a Passo na Web
4 years ago