Friday, July 4, 2008

Pupunuin ko ng pagibig ang post na ito!

Nathan, wala munang topics sa blogspot tungkol sa mga pagibig mo, "sa ano"(alam ni fiona to). Sa insecurities mo. Sawang sawa ka na siguro dahil wala pang nangyayare sa mga attempts mo, kung tutuusin, di ka pa naman talaga nagaatempt, So anung isusulat mo?Ewan!

Tungkol ba sa walang kamatayan nyong lakad ni Jerome sa Southmall at atc? Sa gusto mong maging crush sa cvg para pampalipas oras, Sa mga balak mong gawin: muay thai, kickboxing. sailormoon-martial arts(LOL!). Bili ka kaya ng psp para maexecute mo with perfection ang 10-hit combo ni Ana o kay ni Lili sa Tekken, tingin ko wag ka na munang bibili ng marameng bagay ngayun, lalo't bagong salta ka ulet sa Alabang. At talagang mawawala na ata ang Spr** na account since sabi ni Jerome ay 400 ang matatransfer sa dtv galing sprint(ay buko!) So tayo na ata yung magoocupy ng buong second floor. Wawa naman ang mga patron ng account na yun, muka pa namang masaya sila.

So anu na ulet ang gusto mong isulat? Sino ba ang crush mo sa cvg. Ewan, pinipilit ko lang syang maging crush para may rush habang nakikita ko sya. Pampagana na din pumasok, ok ang pagkachubby nya, at Richard ang pangalan nya, nakatira sa southville, sa may Toyota! Walking distance para i stalk sa Pilar(hehe) pero ang layo pa din nun ah. Ito na lang, since nakikinig ako ng Runaway ng Corrs, buhay pagibig na lang. Wait! palitan ko ang song...hmmmmm. Ok ito: All you wanted ni MIchelle Branch. Yan ang pinakikinggan ko kapag naiingit ako sa taong gusto kong maging katulad. In short kapag naiingit ako at short ang pondo ng self-esteem, Sabi kasi ni Michelle Branch sa Making the Video ay ang kantang ito ay, englishin ko na lang: All you wanted is for people whom you think are so happy on the outside...yet you don't know what is happening inside of them, behind the curtains, all they wanted was for someone who could understand...infairness parang ganyan ang pagkakasabi nya so wag mo akong i quote para di sabit.

Routine naman ang buhay ko eh so parang walang major update. Shet, tumutogtog ang Sa Langit ng Moonstar88..pagibig kong itong laging bitin, panay sulyap puro tingin di na talaga papansin. Teka lang, may taong idenedicate ko tong kantang to eh. hmmm, maalala nga. Di naman pede si leonardo kasi di naman lumabas tong kantang to nung high school. Anu ba 'yan, di ko ka tuloy maalaala, sa dinami dami ba naman ng mga naging infatuation ko nung bata bata pa ko eh, maaalala ko pa kaya lahat.

Ah ito, "interesting:" nawalan na ako ng gana sa Porn. Naumay ako, naging paulet ulet na lang kasi eh, at isa pa lalo lang nagbubuild up yung longing for someone na pangarap ko na matagal pa bago matupad. Mahinain ang loob ko. Kaunting emotional attack lang eh, nagtatampo na ako. di naman ata mahinain ng loob yun eh no, parang matampuhin...I-term na lang naten na ganun para di negative. Grabe ang layo ng naging succeding sentece ko sa sana ay porn-related na paragraph, soooo far-fetched. Pero ibig sabihin lang nun, walang malaking impact sa buhay ko ang porn, isang libag lang sya kumbaga, isang kuskos lang ng hilod tanggal na.

Isa pa tong news sa Gma tungkol kay pacquiao, syempre sasambahin na naman ng mga tao ang "pambansang kamao" hehe buti na lang ang Directv sa cvg pinalabas sya ng live at walang commercial break, Naku di ako patron ni "saint pakyaw" ah. Yes magaling sya at isang "karangalan" talaga ang maging isang boksingero tulad nya, pero parang naging over commercialized na sya, ginagawa pa tuloy na spoof si pakyaw(mas madaling itayp sa keyboard ang "pakyaw" sa "pacquiao" kaya ganyan) sa pagsasalita nya. Speaking of boxing, may napanuod ata ako sa ch2(ch 7 ata eh) tungkol sa mga batang boksingero na gustong gayahin sa pakyaw, gustong maging mayaman ng walang aral aral ang punto ata nila, parang soon-to-be-a-millionairre. Sana naman atugapin muna nila ang kanilang edukasyon para umahon sa kahirapan. Sino ba ang di gustong yumaman?! At sino din ba ang di gustong maging sentro ng attention paminsan minsan?
Kung si Bentong kaya ang isang magaling na atleta, magiging Santo din ba sya?


At akala ko ba wala kang naiisip, bakit ang dami mo nang naisulat?

Ito pa pala, may naalala akong libro sa National pero limot ko na yung title. Tungkol sa E-heads, shet, sino ba naman ang di makakarelate sa e-heads, pambansang banda yun eh! Grade 5 ata ako nun nung una kong mapakinggan ang kantang "Toyang." At gusto ko lang maalala na naging parte ako ng henerasyon ng taong nagsisimulang mangarap ng malake. At nasan na ako ngayun--ito nasa call center at Malake na din. Di ba Tangina?!

Mabuti na siguro ang impromptu na post minsan, sobra sobrang refreshing ang isulat sa wordpad ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo, na minsan ang hirap mahuli kung nakatunganga ka lang sa screen at pinipilit kung emo ba ang post o drama-induced/MMK with matching Cherie Gil making sampal sa bida ang magiging topic. Making sampal, haha, kay dave ko nakuha yun eh!Making tulak naman sa kanya pala.

So pagsusumaryo ng naisulat ko, mga 20 porsyento lang ata ang emo. At least di nakakaumay eh no. Sawa na din kasi akong mag emote eh. Ahh, ito pa, dati rati, nagtatanung pa ako kung panu ko dudugtungan ang istorya ko sa pagdedeydreaming(talaging kinarir ko!). May mga tampo scene pa nga kami ni Jayvee Gayoso eh(sya ang naging dahilan kung bakit parate kong isinusulat sa mga hiniraman kong pamaypay nung highschool ang pangalang "Angel11." Remember usong uso ang mga pamaypay na puro "Casper" at mga gangsta codes ang nakasulat sa tela nito, ewan ko lang sa school nyo, pero nung "kapanahunan" ko yun ang click.)Kadiri no!


Ito ang pinakamasaya kong post sa lahat ng isinulat ko, halata naman diba. Ganito ako magisip, impromptu, prangka, at wala ng process process ng isip kung di maganda pakinggan, output na sya kaagad! Sarcastic din daw. Basta ganun. So next time ulet mga frienships! Whops! last na last na talaga to, napapangiti ako kapag ginagamit ang frienship as term of endearment. Unique kasi eh.

Parang ako, nAks!Ok alis na ako, pakiss!

3 comments:

えすたひめ essie-hime said...

i miss our 'wala lang' talks.. 'yung mga kwentuhang nating walang saysay.. mula kay putik hanggang sa insecurities mo, hanggang sa 'kataksilan' ko.. haha.. xD meet tau next payday! ^___^

えすたひめ essie-hime said...

ay mali tagalog ko! yaan mu na.. :p

blackdarkheart said...

oist. buhay ulet ang online life ko sa granado espada. miss ko na characters ko eh. at syempre di talga ininstall si ge sa pc nya! kapag may funds na ako. kita tayo. kain tayo ng marameng isaw at kung anek anek na chicken innards!!! syet, nagcacrave na naman ako ng tapsilog.

nandito pa din si putik, ang sprint ay madidisolve na. at ako pumapayat pa lalo. s happy sa credit team na, so di sya cols