Monday, May 19, 2008

Inggiterang post

Bryan: haay!! Pauwi p lng aq, musta po?!

nathan: Anung oras ba shift mo?

Bryan: 2-11...galing pa ako sa inaanak namin...

nathan: aq nand2 sa g4 4 a gala. hehe. As usual!!

Bryan: Wow! Hus wd yah?!

nathan: nagtanung ka pa! xiempre aq lang!

Bryan: ngek...panu ka gumagala kung ikaw lang? dnt get it...

nathan: Parate namang aqng magisa kung umales eh, at di porket, gumagala ako, may kasama aq. mas gusto ko minsan ang gumala ng magisa. At wala naman akong bf no!

Bryan: ganun..uki(tapos smiley)

Ang boring pala talaga na tao. Loser pa! Boring at Loser. What a combination!
Pinarealize nya lang sa akin kung gaano "di kanormalan" ang lumabas ng magisa araw araw. Madalas ko pa naman syang katxtmate, kaya madalas alam nya kung anu ang mga pinaggagawa ko--lumabas magisa, kumain magisa, manuod ng sine magisa. Basta lahat ng bahay na ginagawa nyo ng may kasama ay ginagawa kong magisa.

Si essie nama kasi minsan busy. Si jerome naman parateng "next time na lang" ang reply sa txt. Yung iba ko namang kaopismate ay di gaanong interesado na kasama ako maliban na lang kung "cvg affairs." At di naman malaki ang network ng friendships ko. Isa pa, iba-iba na kame ng schedule sa opis kaya di na rin sabay sabay umuwe.
Si patrick naman ay busy din sa work tapos sa off nya nasa bahay sya ng boyfriend nya. Bihira na din naman akong imbitahin sa bahay nila, di tulad ng date.

Minsa gusto ko ring maging "cool." Minsan gusto kong magblend in sa mga taong "in." At sana naman din, kahit minsan, ako ang bida.

Di ko alam kung bakit ko ito naisulat. Siguro nalungkot lang ako sa ideya.

p.s: di na masyadong nagiistay ang mga negativity sa "puso" ko. Buti naman! Everyday im starting to feel better. hehe. im proud of myself.

6 comments:

. said...

Payong kaibigan dude. Sa dinami dami ng mga tropa ko, I go out alone. Masaya ako dun and sometimes I get to find myself in solitary journeys.

For many, it's abnormal, pero sa akin, I grow more sensitive and profound kasi yung insights ko nadedevelop sa aking pag-iisa. :)

odin hood said...

ako rin trip ang gumala mag-isa. oo masarap ang may mga kasama gumala, pero madalas masarap at gusto ko rin mapag-isa.

MakMak said...

Don't mind what your friend said. It's normal to go out na mag-isa lang.

I do that when I feel like I need to pamper myself - shop, reflect etc.

Basta don't feel bad okidokie?

Dabo said...

Congrats dude.

Anonymous said...

I think, that you are mistaken.

Anonymous said...

You are not right. I am assured. Write to me in PM.