Friday, May 9, 2008

Ang hatol ka Shamashu

Kanina lang binigay ang sentensya ko. Madaming papel ang ipinirma. Kala ko naman ay madaling iabsord ang ideyang 10-araw na diretsong suspension mula sa pagkakahuli kong nagsusurf sa internet. Medyo nawala ako sa ulirat.

Handa na sana ako mentally sa suspenion ko. Akala ko ganun lang kadali, pero nagkakamali ako. Di pala ganun yun.

Isa pang tangina nila para sa paglapat ng isang bwang suspension! Tatlong taon na sana ako sa May 20 pero, dahil sa kanilang "kind justice" ilalagi ko sya sa bahay ng walang pera! Anu na lang ang gagawin ko sa mga bills ko! Buti na lang at pinakancel ko na ang gym ko ngayung bwan at buti na rin lang at may kasaman quarterly bonus ang makukuha ko sa may 15! Sa iba siguro, kung mangyari ito sa kanila ay diretso ng magreresign. Nakakakahiya pang bumalik pagkatapos ng isang buwan, pero ang pagiging "tenured" ko sa work ang nagpipigil sa akin na lumipat sa GenPac.

Simula may 13 hanggang June 12 ang parusa!

Wala silang mga puso!

Sa punto ngayun ay naguguluhan ako kung ipagpapatuloy ko pa ang work ko kay cvg pagkatapos ng suspension at magsimula muli o kaya naman lumipat sa ibang companya para magstart sa "scratch."

Ibig sabihin ng lahat, babalik ako sa mega bum life ng isang bwan, walang load, walang panggimik at walang nagagawang productive at tiisang magtipid hanggang makakakaya! Ang mas mahirap pa ang yung bumalik. Di naman ako mapride na tao pero ako lang ata sa cvg ang mananatili sa trabaho pagkatapos ng "nakahihiyang" suspension. Yung tl ko nga dati sampung araw lang na suspension ay dineretso na nya sa resignation!

Sa ngayun, di ko talaga alam kung anu ang pinakamainam na gawin. Ang gulo ng isip ko.

6 comments:

. said...

Akala ko 10 days lang ang suspension mo bro?

odin hood said...

bakit naging isang buwan? exagge naman yun!

MakMak said...

Smile smile Nate. See if you can try to do those things that I've mentioned to you to ease up what you're feeling right now. :)

ika said...

wow. 10 became 30.

ok natatakot narin ako since I'm posting again from the office.

Dabo said...

hala di muna ako mag-internet sa office..shett

PrincheCHA Fiona said...

you'll get by dearie! :p








pero ba't ang OA naman ata ng parusa?!