Gusto ko ng isuka ang pagkausap sa mga kano at magpahinga muna ng sandali sa stress--kahit two months lang. Matatransfer pa kami sa ibang mala potang team para daw I gauge ang performance naman ng maayos. Sabayan pa daw ng mga balentimes couples sa southmol na ang saya saya(inggit?!).
Di ako naiinggit(nagdahilan pa!).
Yung mga bakla dito sa opis nakapasocialite! Kung sino sino ang mga kakilala(isama nyo naman ako sa mundo nyo!)Nakakatuwa at nakakainis silang tingnan. Nakakatuwa dahil ang saya ng mundo ng mga bayot. Nakakainis kasi di ko makarelate sa mga pinag eeavesdrop ko sa kanila...keshong yung kadate daw ni ganito sweet...yung kay anu naman daw galante tapos may kotse pa...tapos ako nakangiting aso lang sa customer ko kasi ako walang kadate. walang pa akong maipagmamalaki sa sarili ko. Kung tutuusin cute naman kasi yung tropa nila. Medyo eyecatcher din.
Sa alang-wentang-kwento kong to, naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni troy nung sinabihan ko sya na makikipagdate ako sa dati naming opismate na pamhinta, natuwa ang loka, sabi nya may "use" pa daw ako at may natitira pang byuti--yun daw ay ang inner-byuti. Lintek. Buti na lang di bumaba ang negative balance kong confidence.
At ung crush ko na may ari ng computer shop, na lagi kong pinglalaruan ng granado espada ay mayasawa na ata ng mukang japayuki. Cute pa naman nya. Pagnagtatagpo ang mga tingin namin, tinataas nya ang dalwang kilay nya, basta parang ganun, di ko naman alam ang tawag sa gesture na yon eh. Parang Oo ang effect nya pero silent kaya taas kilay na lang. Basta ganun. Grabe, ang cute pa naman ng legs, napakatoned at medyo mabalahibo. Kapag ganun pa naman ang legs ng lalake parang gusto kong dilaan ang legs nya hanggang singgit. At sana lang yung crush ko ay di paglalandiin ng mga pokpokish girls kasi akin lang sya. At dahil ayaw naman nyang makipagusap sa inyo,wag mo ng ipilit kasi ako lang ang nasa isip nya! How I wish. gusto ko ding isipin na parte sya kabaklaan para ligawan ko sya.
Sana lang mas maging Mr. Friendship pa ako.
Moving forward to reality...
grabe ang haba ng avail time namen dito sa opis, umaabot ng 20 mins. So twenty-minutes ng chikahan...Bente-minutos ng pagiisip kung paano makakalayo sa convergys alabang...dalawampung minuto para ibuhos ang natitirang latak ng puso ko. Dito
Trauma, vulnerability and anger as an aphrodisiac
11 months ago
3 comments:
aw...nakakalungkot naman ang iyong kwento. pero ok lang yan, di ka nag-iisa. lol.
try mo magpa-spa. nakakawala ng stress. super...
convergys alabang? Madalas ako dyan last month. Dyan kasi ung ex ko eh. Uy baka nakita na kita hehehe
IBM-Sprint just incase you're going to ask :)
Post a Comment