Naiinis ako sa mga taong nagpopost ng mga pic ng mga taong di nila kilala sa mga website at gawan ng joke kung ano ang itsura at pinaggagawa nila! Dahil di naman ako biktima, bakit ako apektado?
Kasi naman, sino ba ang gustong pagtawanana sila sa harap ng mga taong di naman nila kilala?! Sino ba ang gustong laitin, kahit ang taong nilalampaso mo ay di akma sa iyong panlasa?!Hindi porket pagdating sa itsura ikaw ang pipiliin ng madla, may karapatan ka ng mukhang gawing kakatwa ang itsura ng iba. Respeto kumbaga.
At alam ko din na kalayaan sa pagsalita ang ginagawa mo. Pero isaalang alang mo na lang
ang damdamin ng iba. Malay mo maging kaibigan mo sila o kaya naman naging isang malapit na kapitbahay. Papaano na lang kung makita ng mga kaibigan at kaanak ng taong nilalait mo ang picture nya. Anung saloobin kaya ang madarama nila?
Kaya minsan, hayaan mo na. Gusto lang nilang mapuna. Gusto lang nilang ipakita kung ano sila. Gusto nilang may magmahal sa kanila. Pansinin mo rin sana na sa mga ng iba mahalaga sila.
Curso de Maquiagem Passo a Passo na Web
5 years ago
4 comments:
Mukhang kilala ko kung sino yung mga yun. Honestly, nakikiisa ako sayo parekoy.
Freedom of speech sabi nga nila.
Pero guilty ako sa pagtawa sa mga katatawanang dulot ng mga panlalait nila. Pero dahil impokrito ako makikiisa ako sayo sa pagtuligsa sa mga taong walang moral at mga kulang sa pansin na kagaya ko! Hahaha
my point ka talaga, siguro mga insensitive yung mga taong ganun. kung face kaya nila ang ipost, diba, nakakahiya kung pagtatawanan din...
well pwera nalang kung may ipagmamalaki...
kudos po sa yo!
honga, tama nga...
Post a Comment