Ito na namam ako, In-love sa taong di ako kilala at magiging problema ko na naman ito dahil di ko kayang kontrolin. Ayaw ko na, wala naman kcng patutunguhan ang drama ko. masochista lang cguro ako, gusto ko ang mga drama, mga heartaches at mga larong walang patutunguhan dahil alam kung luhaan at sugatan ako sa huli. Parati namang ganun ang pinatutunguhan ng lovestory ko, teka, wala pa pala akung love!
Drama ko no?! naiirita na nga ako minsan sa sarili ko eh. puro emote sa kama bago matulog at aakalain paggicng kinaumgahan eh, nanjan na labas ang prince charming ko. Kailan ko ba mamahalin ang sarili ko, ayaw kung mamuhay sa mundong puro regret at pagaalipusta sa sarili. Ang daming kailangang baguhin, di mo alam kung paano sisimulan, kung tutuusin sarili mo lang naman ang problema mo, panu pa kaya kung lahat ng "mundo" sumugod, eh di lantutay ka na pagkatapos.
San ba ako nagkulang?
Di ba kapag may nakaktingin kang tao habang naglalakad, lalo't na kapag feel mong magemote eh, tapos nagkatinginan kayo ng taong tinitingnan mo--pagibig na ba yon? May mutual instinct kayo na "dapat batiin ko cia at least" sa isa't isa. Torpe din pala ako. Di ko kayang makipagtitigan sa tao na matagal, insecure kasi ako eh. Kung ginawa ko kaya un eh may magbubungang mabuti? Ma try nga minsan, naiinip na kasi akung nagiisa, tutal nagiisa ka lang naman at kung mapahiya ka--nagiisa ka rin!
Gusto ko din namang maranasan ang mahalin at mahalikan(sabi sa yo' eh emote mode ako). Bentre tres anyos na ako at wala pang karanasan sa tunay na pagibig. Nakakahiya sa kaibigan ko dahil pinepressure na nya akung maghanap ng "tunay na pagbig". Cguro sa panahong ito, intay na lang muna. Kailangan ko pang daigin ang mga kalaban ko tutal isa rin naman akung Knight in shining armor na hinahanap ng iba.
Curso de Maquiagem Passo a Passo na Web
5 years ago
No comments:
Post a Comment