Ganyan ka ang "dalas" ang mga major changes sa buhay ko. Kada dalawang taon.
May sariling orasan ang lahat sa buhay ko. Kahit sa anung "field sa buhay",twenty four months ang maturity nito.
Twenty four na ang nakakaraan ng pinaglabanan ko ang pinakamatitinding insecurity ko. Akala ko pa naman di matatapos ang unos na yun. Masyado kang apektado sa lahat ng pinakamaliliit na details ng itsura mo. Minsan nga ayaw ko ng pumasok kapag napapangitan ako sa sarili ko. Minsan din talagang di ako tumutuloy sa trabaho. Sobra din ang inggit ko sa mga taong may mas mataas na "lifestyle" kada sa akin. Naiirita ako sa mga kaopis mate ko kapag mas marami silang kasama kapag uwian; palibhasa loner ako, di ko pinapahalata na gusto kong sumama sa kanila. Di rin ako makatagal sa mga taong magsyota, lalo na yung mga gay couple kasi pakiramdam ko nuon di ko mararating ang "couple" na status. Pero ang bilis pala ng lahat ng mga pangyayari. Di mo akalain na unti unti na syang syang maglalaho at magkakaron ka ng bagong saloobin sa mga taong nasa paligid mo. Wala na talaga ang insecurity ko ngayun. Nalunod na sa tagal ng panahon. Tagal din nun. Dalawang taon.
Dalawang taon bago ako mainsecure ng todo, wala akong trabaho. Katatapos lang ng contrata ko nuon sa Kenny Roger's Roasters. January yun. At di na nasundan pang muli dalawang taon matapos nun. Pero araw araw akong nasa arcade. Yun ang bisyo ko. At dahil wala ka pang perang pangtustos sa pambili ng mga tokens, kumukupit ako sa nanay ko. Minsan nga kahit singkwenta pesos lang ay solb na ako. Aabutin na ako hanggang magsara ang mall. Pero mabilis naman ang oras dahil masaya ka na sa buhay mo at parepareho kayo ng mga tropa mo sa arcade na mga "palamunin." Kahit gutom ka na ay kailangan mo na lang tiisin kasi tama lang ang pera mo para makauwi. Nagsawa ako kaka"challenge" sa mga dayo ng arcade. Talo din naman ako sa huli. Pero nung papalapit na yung
21st bertday ko, Napaiyak ako sa kama pagkagising dahil sa kawalan ng gagawin sa buhay. At dahil impulsive na ako nuon, nagasikaso ako para magaaply ng trabaho. Call center ang ginusto ko dahil gusto kong magipon para makabili ng laptop. At nung araw na yun, Convergys ang tinarget kong aplayan. Sa mga isandaang aplikante ng Convergys alabang, ako lang ang natanggap(sinabi sa akin yun ng isang hr officer nung matapos ung final interview). Bihira na ako ngayung magacarcade. Nabobore na nga ako minsan dun weh. Sa loob ng mga ilang araw, nakuha ko ang unang sweldo ko. Tinereat ko ang sarili ko. Nagarcade sa Alabang Town center ng Virtua Tennis ng buong araw. Siguro kailangan ko lang talagang maranasan un para maintindihan kung gaano kahalaga ang pagiging responsable. Di ako babalik sa buhay na yun.
Two light years bago ako bum, may isang tropa ako na tinagurian kong "bestfriends."
Kaibigan ko sila mula grade 1 pa lang. Kala nyo magtatagal kayo habambuhay kasi nga sabi ng Spice Girls "friendship never ends"(ako si mel b sa magkakaibigan/lima din kasi kami). Nung nagkaroon na sila ng tigiisang lovelife, di na kame madalas magusap at magkita, yung isa kong kaibigan na transgender, may boyfriend na Homophobic. Si Friendship #2 ay may boyfriend na din na taga UST. Si friendship #3 may lawyer na sugardaddy. Kala mo magiging ganun na lang parati--pupunta sa bahay ni friend#2, kakain, sasayaw sa tugtog ni Britney Spears, magkakape, maguusap tungkol sa walang kamatayang future.
Inaamin ko kasalanan ko din kung bakit kami nagkawatak watak, nagsimula yung paglamig ng samahan ng sinabihan ko si friend#3 na salawahan sya kasi may boyfriend sya kapag weekends, may fubu namam sa ibang araw. Sa una di naman ako tutol kasi wala naman akong masamang masasabi sa ginagawa nya. At tingin ko nuon isang social status ang makipaglandian sa ibang lalake kahit na may bf ka na. At pakiramdam ko nuon napakalayu na nila sa akin kasi ako na lang ang walang bf nuon. Nuong araw na sinabi ni walter sa akin na may iba na syang boyfriend after ni "Lawyer" nairita ako sa inggit, sinabi ko na napaka "magdalena" nya; na pumayag syang makipagdo sa halagang 100php. Nagkasalitaan kame ng masasakit. Tagos buto talaga. Di nya lang alam nalungkot ako sa ideya na ako ay wala pang bf at sila namamayagpag na ang lovelife--inggit nga naman. Di na namin niresolba ung alitan namin na yun. Nangyari yung pagaaway kay friend#3 tatlong linggo bago ang bertday ko. Di na kame nagusap muli mula nuon. Kumampi na lang si friend#2 kay #3. Nagkaisa sila. At bago magxmas pagkatapos ng pagaaway na yun, di na din ako kinausap ni friend#2 mula nuon. Former friend na lang ang turing ko sa kanila. Di na mababalik ang "SpicePower." At wala na ding mga friend para tawagan at kulitin ko sa mga bago kung crush.
Namiss ko sila, pero di na ngayun. Wala na akung balita sa kanila kahit na nasa isang village lang kame. Matagal din akong nalungkot pero matagal na yun.
Ang daming nangyari. Pero naging masaya ang "journey." Ngayun iniisip ko na ang lahat ng hinahangad ko ay may kaniyang panahon para mahinog. Kahit na nakalulungkot ang buhay bum ko nuon naging simulain sya para maging ganito ako ngayun. At dahil wala na akong mga kaibigan, panahon na para maghanap ng mga totoong tao. Ang dami daming pedeng mangyari sa susunod na dalawang taon ng buhay ko.
Di na ako makapaghintay kung ano man yun.
*parang tumambling ako sa post kong to. ewan ko ba!*walang panahong i proofread! down ang firewall ng cvg ng 30 minutes! basta write and post lang. haaayyz. wala munang lovelife lovelife!!